CHAPTER 19
ERIN
Andito kami ngayon sa reception area ng resort. Ngayon kasi gaganapin ang birthday party ni Kissandra. Pagkatapos nito napagplanuhan ng barkada na mag inuman sa labas. Di daw kasi kompleto ang isang birthday ng walang tagay.
"I hate formal parties. It's so boring. " reklamo ni Kissandra habang nasa table kami at nagsasalo salo.
Tinawanan ko lang siya sa naging saad niya.
Kahit nga ako. Nakakapagod kaya iwelcome ang mga bisita at ientertain sila. Ayaw pako ihiwalay nitong si Kiss kaya lagi kaming magkasama.
Ang liit ng mundo talaga. Hanggang ngayon di pako maka move on sa nangyari kanina sa beach. Kyte, Kiss and Maiko are models in the same agency kaya pala magkakilala silang tatlo.
Lumaki si Kiss sa ibang bansa kaya di niya nakilala si Kyte before nung mga bata pa kami. Kaya ngayon, I can't believe na nagkatagpo kaming tatlo. What a big coincidence in a small world.
I can't draw Eros's face when he saw Kyte earlier. Speaking of him.
I missed Eros.
Gusto ko ng matapos ang party nato at ng makauwi na kami. Mas may time kami sa isat-isa kung nasa bahay kami. Dito kasi ang dami naming relatives. Bantay sarado ang mga kilos namin.
Kaya ngayon wala kaming ibang magawa kundi tignan nalang sa malayo ang isat-isa. He's so handsome tonight. Gusto kong pagsawaan ang mukha niya pero di pwede kaya hanggang silip lang ako.
Feeling ko ang layo ko na sa kanya. Ang mas nakakainis pa, katabi niya ngayon ang Maiko na yun na panay ngiti at pangungulit sa kanya. Tsk. Bad trip tong gabing to simula nang dumating yang Maiko na yan.
Maya-maya lang inanunsyo ng emcee na pwede ng sumayaw sa dance floor.
Biglang tumugtog ang isang mabagal na tugtog. Ang sweet pakinggan.Kanya-kanyang hila ang mga tao sa dance floor. Hanggang sa mapuno ito ng mga magpapares. Karamihan mga mag-asawa.
"Can I dance with you Erin? " napaangat ako ng tingin nung may tumayong tao sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.
Natuwa naman ang mga tao sa table namin at nangunguna na dun ang mga magulang namin ni Kyte.
Damn I really hate this.
Wala akong nagawa nung itinayo ako ng ng mommy niya at mahina akong itinulak sa anak niya. Medyo na out of balance ako buti nalang nahawakan ni Kyte ang dalawang braso ko.
"Eros! Sayaw din tayo let's go! " nagpanting ang tenga ko ng marinig ko yung matinis na boses ni Maiko na kasalukuyang hinihila si Eros patayo. Blank lang yung expression niya kaya di ko malaman kung ano yung emotion niya ngayon. Pero malamang wala na naman siya sa mood.
Tumayo si Eros at hinila si Maiko sa sayawan.
Ang sama ng pakiramdam ko dahil sa nakita ko. Tinignan ko si Kiss na nakatingin lang sakin. She looked worried.
Tumalikod nako at nagsayaw na kami ni Kyte sa dance floor.
Iniiwasan kong tingnan sila Eros sa gawing kanan namin kasi naiinis ako.
Nakita ko na din sila mama at yung mga tita ko na nagsasayaw.
Si Kissandra naman nagpunta sa table ng mga barkada namin at tingin ko kami ang pinag uusapan nila ngayon. Kasi panay tingin sila sa direksyon namin.
Wala akong pake.
"Ang tahimik mo naman. " Kyte said habang nagsasayaw kami.
"Wala kang pake. " wala sa mood kong sagot.
BINABASA MO ANG
My Step Bro is my Ex
RomanceThis is the unedited and the original version of My Step Bro is my Ex. From: Ebook version copyright 2017