CHAPTER FOUR
"Uhm.. Eros?" Kinalabit ko si Eros na abala sa panonood ng tv sa sala.
"What?" Malamig niyang tanong sakin nang di man lang ako tinitignan.
"Alis muna ako. Dun lang ako sa----"
"Go ahead. As if I care." Pagputol niya sa sasabihin ko at saka padabog na pinatay ang tv. Tinapon niya ang remote sa sofa at nagmartsa palayo. Naistatwa nalang ako sa kinatatayuan ko dahil sa naging asal niya. Bakit nga ba ako nagpaalam? Simple, gusto ko lang malaman niya na aalis ako para di siya mabaliw kakahanap sakin.
As if naman hahanapin ka nun. Lumunok ako at pilit na ngumiti. Pagkatapos ay lumabas na'ko ng bahay at nagtungo sa kotse ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Gusto kong maiyak. Nasasaktan ako sa treatment niya sakin matapos yung nangyaring pag uusap namin nung isang araw. I rejected him kaya siya cold this past few days? Oh ano inaarte mo Erin? Diba yan ang gusto mo? Ang layuan ka na ni Eros? Now it's happening why can't you smile?
Bumalik saking gunita ang pag-uusap namin nung mga oras na yun nung pinaandar ko na ang makina ng kotse ko.
Flashback...
"Please Erin, hangga't mahal kita bawal ka pang makuha ng iba." Patuloy parin siyang nakayakap sakin ng sobrang higpit.
"Eros, bakit di mo maintindihan? Bakit ayaw mo tanggapin? Mahihirapan nga tayo pag pinairal natin to. Please let me go... " Pakiusap ko sa kanya sa gitna ng mga hikbi ko.
"Bakit ikaw? Tanggap mo ba talaga?" Napamaang ako sa tanong niya. Mas pinili ko nalang na wag bigyang sagot ang tanong na iyon at baka magsinungaling lang ako.
Unti-unti niya kong binitawan at hinarap sa kanya. Di ko siya magawang tignan kaya panay yuko ako. Nasasaktan akong makita ang mukha at mata niyang sa pag iyak niya.
I made my Eros cry. I broke him.
"Wala na ba talagang pag-asa Erin? Tumingin ka sakin at sabihin mong ayaw mo na. Titigilan na kita." Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sakin. Naghihintay ng sagot ko. Gusto ko sabihing ayoko na pero takot akong mawala siya. Ano ba dapat kong sabihin?
"Eros... " Wala akong masabi kundi banggitin lang ang pangalan niya.
"I said look at me and tell me to stop then I will." Huminga akong malalim para humugot ng lakas at tinignan siya sa mata.
This will be painful Erin. "Ayoko na. Kaya tumigil ka na." Those statement torn my heart apart. Pero alam kong yun ang makakabuti. Wala ng pag asa ang pag-ibig namin sa isat-isa. Baka di lang kami ang masaktan pag nagkataon baka pati parents namin.
I have to do this. Kahit masakit.
Mahina siyang tumawa at bahagyang tumingala para pigilan ang pag-agos ng mga luha niya.
"You sure? Di ka ba magsisisi?" Tanong niya ulit na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko. Parang gusto ko ng sumabog. Yumuko ako at tumango kasabay ng pag-agos ng luha kong di ko na napigilan.
"Okay! Haha bakit bako umiiyak?" Mahina siyang tumawa saka tinalikuran ako. Tumikhim siya ng ilang ulit at hinilamos ang mga palad sa mukha bago ako hinarap. Pulang-pula ang kanyang tenga.
"Fine. I'll stop now. But take my words Erin, I will never cry in front of you again. Wala na ding Eros na manggugulo sa inyo ni Drix. Goodbye SIS. Salamat at sinayang mo ko." He said before walking out. Binangga niya pako nung umalis na siya. What the hell. Sinaktan ko si Eros for the second time.
Kaya ngayon di ko siya masisi kung bakit ganun siya makitungo sakin ngayon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manebela ng kotse ko. Bago mag drive, pinahid ko muna ang mga luhang nagbadya sa mukha ko dahil sa sobrang lungkot.
![](https://img.wattpad.com/cover/247313346-288-k958289.jpg)
BINABASA MO ANG
My Step Bro is my Ex
RomanceThis is the unedited and the original version of My Step Bro is my Ex. From: Ebook version copyright 2017