CHAPTER 11
ERIN
At tulad nga ng sinabi ni mommy, lumabas kaming magpamilya para sa isang dinner date. Gusto daw kasi nilang bumawi sa mga oras na wala sila sa bahay at kami lang ni Eros ang nasa bahay.
Ngayong andito na ang parents namin kailangan naming dumistansya sa isat-isa at mag doble ingat. Hindi pako handang may makaalam ng tungkol samin ni Eros. Speaking of Eros pinapahirapan niya ko dahil di siya nag iingat. Hindi tanga ang mom ko, what if magduda yun. Edi napahamak kami. Si Eros kasi walang pakialam eh. Ako na nga tong laging lumalayo .
Tulad nalang ngayon, panay ngisi sakin. Hampasin ko na talaga ng lamesa to. Palihim ko siyang kinukurot para tumigil pero lalo lang niya kong inaasar. Kelan ba siya titigil? Buti nalang abala sa pagkain at pag uusap about sa business sila mommy at daddy kaya di nila kami napapansin.
Nakaupo sila mommy sa tapat namin kaya dinukot ko muna ang cellphone ko at tinext nalang sa kanya ang gusto kong sabihin. Sinenyasan ko siya sa phone niya at sinamaan ng tingin.
"Pag di ka tumigil mawawala ka dito sa mundo. " binasa niya naman ang text ko at ngumisi.
Phone beeps.
"I LOVE YOU NALANG MAHAL KO. " reply niya with matching heart emotions.
Nakatitig lang siya sa phone niya habang yung kamay niya gumapang papuntang kamay ko saka hinawakan ito at pinisil-pisil. Shit tama bang palihim kaming naglalandian sa harap ng mga magulang namin? Sa mata nila at ng lahat magkapatid kami. Di ko tuloy maiwasan mag alalala sa set up namin. Araw-araw kong inaalala na what if bukas o mamaya malaman na nila? Paranoid nako. Pero kapag andyan si Eros, pinaparamdam niya sakin na walang mali sa ginagawa namin kaya dapat namin ipagpatuloy.
"Dy? May out of town ulit kayo? Aalis ulit kayo ni tita? " biglang tanong ni Eros sa dad niya. Anong sinasabi neto?
"Huh? None son. Bakit mo natanong? " nagtatakang sagot ni daddy.
"Ay sayang kala ko aalis ulit kayo eh. "
"Uy ano ba. " di ko na napigilan ang mag react sa sinabi ni Eros.
"What? Gusto ko lang siguraduhin na di sila aalis this week sis. Isa pa may isasuggest akong magandang resort para mag vacation. " paliwanag niya. Ano na naman pinaplano nito?
"Resort?! Wow gusto ko yan. " at sinuportahan pa ni mama. He winked at me and continue blabbering about the resort chuchu. Para-paraan din to eh noh.
"I'm sure dad, mag eenjoy kayo ni tita dito. Refrain muna kayo from work. " Sila ba talaga inaalala mo Eros o yung solohin lang ako? Galing talaga nito eh.
"No. Bakit kami lang? You should come also. Para buong family tayo dun . Total it's summer naman. " suhestisyon ni mommy.
"Kami po? Kasama si Erin? "
"Ako? " sasama kami? Pfft. Walang kwenta paraan mo Eros.
"Oo nga naman Eros, bakit ayaw niyo ba sumama? " tanong ni dad.
"Eh kasi dad busy ako this week eh. At si Erin din may gagawin siya. We want to come pero di pwede eh. " what?!
Ano? May gagawin ako? Anong gagawin ko? Tinext ko siya.
"Ano bang sinasabi mo? " sent.
"Ano gagawin mo this weekend anak? Wala ka atang sinasabi na sakin. " tanong ni mom sakin.
Di ko alam kung ano isasagot ko kaya umiling ako.
"Ah eh... Uhmm okay lang po yun. Sasama nalang po ako. " sabi ko. Haysstt!
"Good then! This is gonna be fun. " Mom exclaimed out of excitement.
Tinignan ko si Eros na magkasalubong ang kilay na nakatingin sa akin. I mouthed him, what?
He get his phone and texted me.
"You're ruining my plan. " napa smirk ako sa text niya.
"You're out of your mind Mavericks. " i replied.
Bumusangot ang mukha niya after that and nilagok ang juice na nasa harapan niya.
Hahaha.
"Fine. I'll just cancel all of my appointments this week para makasama sa inyo. " boom ahahaha.. Sorry babu.
Napatayo bigla si dad ng may biglang napahinto sa table namin. Tatlo sila at tingin ko magpapamilya. Tumayo din si mommy at binati sila. I guess kasama nila to sa business.
Napangiti ako nung nginitian ako ng anak nilang lalaki. Sa tantsa ko parang ka edad lang to ni Eros or ka edad ko.. This guy looks so familiar.Si dad ang nanguna sa pagpapakilala samin sa isat-isa. Matapos ang pormal na batian, besohan at kamayan ay inimbitahan sila ni dad na makisabay nalang sa table namin.
Nalaman ko na galing pala silang america at nagpunta dito para dito na ulit manirahan.
Bakit ngiti ng ngiti naman tong lalaking to sakin? Nakaka awkward kaya. Nalaman ko din kanina na ang pangalan niya ay Kyte Dela Vasquez. Anak ni Mr. and Mrs. Dela Vasquez na kaharap namin ngayon. Wala akong ibang nagawa kundi ngitian siya pabalik."You're smiling like an idiot. " pabulong na sambit ni Eros. Idiot?!
"Manahimik ka nga. " saway ko sa kanya.
"Stop me or else I'm gonna punch that jerk right through his face if he continued smiling at you. " he said with his blank expression.
Napaka seloso talaga ng isang to. Nagtataka tuloy tong si Kyte kung anong pinag uusapan namin. Baka mamaya iniisip niyang siya ang pinag uusapan namin. Dagdag mo pa na masama ang mga tinging binibigay ni Eros sa kanya.
Tahimik lang kaming tatlo habang yung mga parents namin busy sa pag uusap about business.
"So eto na pala si Erin? Ang laki na niya at ang ganda ganda pa. Kumusta kana hija." Napabaling ang lahat ng atensyon nila nung bigla ma divert ang usapan nila sa akin.
"Po? Okay naman po ako. " nagtataka ako. Bakit kung makapagsalita siya parang dati na niya akong kakilala.
"Mabuti naman. Dati ang cute mo lang ngayon you've turned out into a gorgeous lady." Mrs. Dela Vasquez smiled. Dati? Sabi na kilala niya ko eh.
"Ahh eh.. Thank you po Mrs. Vasquez. " magalang kong sabi.
"Call me tita. " suhestisyon niya . I responded her with my smile.
"Si Kyte naman ang pogi pogi na. Dati chubby siya ngayon mala adonis na. " pagbibiro naman ni mama na ikinatawa nila.
They're really familiar. I tried my best na halungkatin ang utak ko at inalala sila. Habang sila naman patuloy lang sa usapan nila.
"Pansin kong antahimik mo ata hijo. " sabi ni mommy kay Kyte at nginitian lang siya nito.
"Ganyan talaga yan si Kyte. Anti-social. " pagbibiro naman ng mommy niya sa kanya.
"Hindi naman po. " tapos natawa siya ng mahina.
Geez!!!
Sila pala yung!!!!
"I guess Erin didn't really remember me. I'm so sad. " nanlaki ang mata ko sa biglang sinabi ni Kyte.
BINABASA MO ANG
My Step Bro is my Ex
RomanceThis is the unedited and the original version of My Step Bro is my Ex. From: Ebook version copyright 2017