CHAPTER 30
Eros's POV
What the heck ! Nahampas ko nalang yung manibela ng kotse ko dahil sa pagkainis. Tama nga yung hula ko. He'll freeze my accounts. Lahat lahat ng accounts ko pati mga cards na alam niya. Hinold niya. Lahat ng yun may control siya kasi di pa naman ako nakakasal kaya lahat ng pagmamay-ari ko, may karapatan siya.
Nakahinga ako ng maluwag ng maalalang nagbukas ako ng ibang account lingid sa kaalaman niya para mapaghandaan ito. I transferred some of my money sa secret account ko na yun kasi alam kong hahantong sa ganto ang sitwasyon dahil sa pagmamatigas ko. Ang problema ay konti lamang iyon at di gaanong kalaki. Mauubos yun at pagkatapos nun, di ko na alam kung san ako kukuha ng pera.
Wala ng matitira pa sakin. Kahit pati itong kotseng sinasakyan ko ngayon ay mawawala din. Sa madaling salita, maghihirap ako. Wala naman akong pake sa sarili ko eh. Ang inaalala ko si Erin. Ayokong mahirapan siya.
Dinukot ko ang wallet ko at tinignan ang natitirang cash na nandun. Buti nalang at di ko nagasta to. Sapat na siguro to. I have to look for a hotel na paglalagian namin ni Erin for tonight. At bukas ang alis namin papuntang baguio, dun sa townhouse na sinasabi ni Kissandra. Siguro magcocommute nalang din siguro kami since pati car ko confiscated. And I guess my money is just enough for that short vacation with her. At di ako mag-aalinlangang gamitin hanggang huling sentimo nito para kay Erin. I'll make sure that vacation will be the happiest moments of our lives ever.
Sa kabila ng mga problemang tong dumadating sa amin ni Erin, di ko mapigilan sa sarili ko ang mapangiti. Pag naiisip ko ang maamong mukha niya, sumasaya ako. Pinapalakas niya ang nanghihina kong kalooban. Excited nako sa magiging bakasyon namin doon. Kung saan makakalimutan namin lahat ng alanganin. Kung saan magiging malaya kaming gawin ang gusto namin. I want to give us a quality time together bago namin ayusin ang gusot namin sa mga parents namin.
Lumabas nako ng kotse at iniwan ang susi nito sa loob matapos iyon ipark sa labas ng bahay namin. Magcocommute nalang siguro ako.
Agad naman akong nakahanap ng hotel na mapaglalagian namin ngayong gabi kasi di naman mahirap gawin yun unless pati hotel inutusan ni dad na wag kami iaccomodate.
Pinagsawa ko ang mga mata sa magandang tanawin sa king harapan.
Abala siya sa pagtutupi ng mga damit na dadalhin namin bukas sa baguio. Araw-araw di ko mapigilang humanga sa maganda niyang mukha. Kahit siguro isang taon ko siyang titigan ay hinding-hindi parin ako magsasawa.Di ako nakuntento sa tingin lang kaya di nilapitan ko na siya. Sumimangot ako kasi sa sobrang pagka-abala niya sa ginagawa at di niya man lang ako magawang tapunan ng tingin.
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at hinila siya pahiga.
Tatawa-tawa naman siya habang nagpa gulong-gulong kami sa kama. Niyakap ko siya at di pinakawalan.
"Ano ba babu, di pako tapos sa ginagawa ko. " ngumuso siya. Tch cute.
Niyakap ko lang siya. "Hayaan mo na yan. Yakapin mo nalang ako at ako na bahala diyan. " sabi ko para wag na niyang alalahanin pa yun.
Pumikit ako habang inaamoy ang mabango niyang buhok.
"Eros? " sambit niya.
"Hmm? "
"Tingin mo, magkakatuluyan tayo? Tingin mo tayo parin sa huli? " may lungkot sa boses niya. Di naman ako nakasagot kaagad.
"Oo naman. " kampante kong sagot.
BINABASA MO ANG
My Step Bro is my Ex
RomanceThis is the unedited and the original version of My Step Bro is my Ex. From: Ebook version copyright 2017