CHAPTER 31
Erin's POV
Isang napakasamang eksena ang napanaginipan ko. Isang nakakatakot na aksidente. Nahulog daw sa bangin ang sinasakyang bus namin ni Eros at parehas daw kaming nawala.
Pilit kong idinilat ang mga mata ko upang magising sa bangungot na iyon. Makailang ulit kong sinubukan hanggang sa magtagumpay na ako.
Bumungad sakin ang isang puting kisame. Umungol ako at kasabay nun ay narinig ko ang isang tinig na pamilyar sa aking pandinig.
Bakit nahihirapan akong gumalaw?
Mommy....
"ERIN! ANAK KO! YOU'RE FINALLY AWAKE! " masayang masayang sabi niya. Taranta siya at parang di alam ang gagawin.
"Erin?! Oh my gosh! " isa pang pamilyar na boses.
"Thank you so much Lord Jesus Christ. Thank you so much. " tarantang pagdadasal niya.
"Kiss call tge doctor! "
"Yes po tita. "
Inilibot ko ang buong paningin sa lugar. And seeing this dextrose connected on me and this apparatuses, I realized na nasa ospital talaga ako.
"Erin? Okay ka na ba? Anong masakit sayo ha? " naluluhang tanong niya sa akin.
"Ma? " sambit ko imbis na sagutin siya.
Kahit nanghihina ay inabot ko siya para yakapin. Ganun din ang ginawa niya. Sabay kaming napahikbi nang madama ang isat-isa.
"Ma, ano pong nangyare sakin? " tanong ko. Bakit ako nandito?
"Anak akala ko mawawala ka na sakin. Araw-araw akong natatakot nun. " Humiwalay siya ng yakap sa akin. Pinahid ang mga luha at hinarap ako.
"Naaksidente ang bus na sinakyan niyo. Grabe ang pinsala nun sayo kaya nakatulog ka ng dalawang taon anak. " Halos mapatulala ako sa sinabi niya.
Totoo ang panaginip ko? Hindi lang iyon basta bangungot lang?
Kinabahan ako at agad na pinanlamigan ng kamay.
"Ma... Paano po si Eros? " halos pumiyok ang boses ko.
Sobrang kinabahan ako lalo na nung di siya nakasagot agad at yumuko lang.
"Ma, I want to see him right now . Please.... " pakiusap ko.
Dalawang taon akong tulog? Paano naman si Eros? Bakit wala siya dito?
Kinakabahan ako at takot na takot sa mga bagay na maari ko pang malaman .
"Pero anak.... "
"Pero ano ma? "
"I can't tell you right now. Makakasama sayo. " Mas lalo nitong pinabigat ang loob ko.
No... Hindi pwedeng mangyari yun.
"Ma! Tell me! Where's Eros? Take me to him... " Unti-unting humina ang boses ko.
Inawat ako ni mama kasi sunod sunod na ang pag agos ng mga luha ko.
"Shhh anak. You can see him. Coz he's not here. Nasa America ka. " tugon ni mama habang niyayakap ako.
Gusto ko pa sanang magtanong kaso dumating na yung doctor at agad akong sinuri.
Kissandra's POV
Nakaupo ako sa may terrace ng kwarto ko . Nagvevape habang tahimik na tinatanaw ang mga nagtataasan at maliwanag na building na makikita mula rito.
BINABASA MO ANG
My Step Bro is my Ex
RomanceThis is the unedited and the original version of My Step Bro is my Ex. From: Ebook version copyright 2017