CHAPTER 33
Finale
Eros's POV
"Hays! Ano ba! Sabing umalis ka sa harapan ko eh! Nakakainis ka na ha! " Inis na bulyaw sakin ni Erin.
"Dun ka at wag na wag kang lalapit sakin kasi naaalibadbaran ako sayo. " singhal niya ulit tapos padabog siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa namin dito sa sala. Naglakad palayo dala-dala yung bread na may nutella na kanina niya pa pinapapak.
Nagkibit-balikat nalang ako. "Hon naman eh! Ano na naman ang ginawa ko? " halos mangiyak-ngiyak kong sabi tapos sinundan kung saan siya tutungo.
Ano na naman ba ang kinagagalit niya? Nilalambing ko lang naman siya ah.
"Honnnnnn!!!! Wag ka naman ganyan. Ayoko ng ganito tayo! " pagmamaktol ko sa likuran niya.
Natigilan ako nung bigla siyang napahinto. Humarap siya sakin na sobrang sama ang tingin tapos dinuro niya ko ng dala-dala niyang kutsara.
What the!
"Ano bang gusto mo ha?! Kanina ka pa ha! Pag di ka tumigil kakasunod sakin sasaksakin kita nitong kutsara! " gigil na sabi niya sakin. Saka ikinumpas ang kamay na para bang tinataboy niya ko.
"Get off my sight Mavericks. Ka aga aga binubwesit mo ko. " dagdag niya pa.
"Shit. Papatayin mo bako? " gulat kong tugon. Nakakamatay na kasi yung pantataboy niya na para bang isa akong langaw.
"Oo! " sigaw niya saka tinalikuran ako at nagtungong kusina tapos kumuha ng tubig sa ref.
Galit nga talaga siya?! Bakit!
Wala naman akong babae ah!
Wala nakong nagawa at nanlulumong naupo sa sofa. Nakita ko naman siyang bumalik sa pag upo doon sa inuupuan niya kanina. Nag indian sit siya sa sofa habang nakasubo parin yung kutsara sa bibig niya na parang bata habang ino-on ang tv.
Di niya man lang ako pinansin.
Nagflash sa screen ang music video ng isang korean boy group. Bts daw ata pangalan ng grupo. Lagi niya kasi yung bukambibig at lagi niya ring pinapanood. Madalas niya pakong ikumpara sa kanila. Tuwang-tuwa pa siya habang nagkukwento kahit halatang wala akong interes sa mga sinasabi niya about koreans. Malay ko ba kasi diba? Tas kapag di ako sumasang-ayon sa kanya nagagalit siya at tinataboy ako.
Ang weird niya talaga lagi pag nagbubuntis. Napapailing nalang ako. Kailan ba matatapos tong paglilihi niya sakin? Mukhang ako na naman ata kasi ang pinaglilihian niya. Kaya yung panganay namin tuloy parang carbon copy ko lang.
Hays nakakainis! Di na naman niya ko patutulugin mamaya sa kwarto. Sa couch na naman ako matutulog. Aish!
Gustong-gusto ko siyang lapitan pero di ko magawa kasi parang nandidiri siya sakin. Ang gwapo ko naman para pandirihan.
Tuloy daig pa namin ang mag-asawang magkaaway dahil sa pangangaliwa nung isa.
"Hi dad. Morning. " napalingon ako sa kinaroroonan ng boses. Nakita ko ang isang anghel na cute na cute sa suot niyang pantulog at inosenteng nakangiti sa akin.
Kakagising lang nito at kinukusot-kusot pa ang mata habang kumakandong sa akin.
Itinaas ko naman siya at pinaupo sa lap ko.
"Good morning din baby ko." I replied saka pinaliguan siya ng mga halik sa noo.
Siya si Eron Adrianne. Ang panganay namin. Five years old. Hinango ang pangalan niya sakin kasi kamukhang kamukha ko siya.
BINABASA MO ANG
My Step Bro is my Ex
RomanceThis is the unedited and the original version of My Step Bro is my Ex. From: Ebook version copyright 2017