CHAPTER 28
Erin's POV
Bahagya akong napaatras palayo kay Kyte nung humakbang siya papalapit sa akin. Pero wala nakong nagawa ng bigla niya kong hilahin papalapit sa kanya at niyakap.
"What the fuck Erin. Di mo alam kung gaano mo kami pinag-alalang lahat. Lalo na ang parents mo. Iyak ng iyak ang mommy mo. We've been looking for you anywhere tapos andito ka lang pala? "
Sa pagkabigla ko, malakas ko siyang naitulak palayo para bitawan ako. Nabitawan niya ang purse na kanina niya pa dala-dala. Pamilyar ang purse nato. Pero di ko na yun masyado pang inalala. Ang importante mapaalis ko dito si Kyte.
"Anong ginagawa mo dito? " tanong ko ng di man lang makatingin ng diretso sa kanya.
"I came to return this to Kissandra. She drop this a while ago then di ko nasauli agad kasi I still have to ask the front desk kung anong unit number niya. " mahabang paliwanang nito.
Walang sabi-sabing kinuha ko sa kanya yung purse ni Kiss at bahagya siyang tinulak palabas.
"Umalis ka na dito. Ako na magsasauli nito sa pinsan ko. " nakayuko kong sabi.
Akmang isasarado ko na sana ang pinto ng bigla niya itong harangin gamit ang kamay niya at humakbang papasok.
"Umuwi ka na. " mariin niyang tugon.
"Please Kyte. Wag ka ng makialam. Kaya ko na ang sarili ko. Umalis ka na. At wag mong sasabihin kina mommy na nagkita tayo. " pakiusap ko.
"Hindi ako aalis ng di ka kasama. " pagkasabi niya nun ay bigla niya nalang akong hinawakan sa pulso at hinila palabas.
Nagpumiglas ako nung nahila niya nako palabas at tinulak siya.
"Ano bang pake mo?! " pagtataas ko ng boses sa kanya. Nagulat siya sa naging reaction ko kaya naman natigilan siya.
"Hayaan mo ko pwede. Alam ko ang ginagawa ko. Irespeto mo ang desisyon kong to. " kumalma nako kasi naguilty ako na nasigawan ko siya.
Napabuntong-hininga nalamang siya at tinignan ako gamit ang nagmamakaawang tingin.
"I'm sorry Erin pero di mo nakita kong paanong nalungkot si tita habang hinahanap ka kaya sa ayaw at sa gusto mo uuwi ka at ihahatid kita sa inyo. " hinawakan niya ulit ako sa pulso at hinila paalis.
Nagpumiglas muli ako pero di ko na maalis ang mga kamay niya kahit anong lakas ng pagkakaalis ko sa mga kamay niya sa pulso ko.
Napasinghap nalang ako ng biglang may tumulak sa kanya papalayo sa akin kaya nabitawan ako ni Kyte.
Si Eros na tingin ko ay kararating lang. Nailapag niya sa sahig yung mga pinamili niya sa pagmamadali niyang makalapit samin.
Mabilis niya kong itinago sa likuran niya at hinarap si Kyte na ngayon ay namumula na ang blankong mukha.
"Who gave you the damn permission to touch my possession? " sabi ni Eros.
"Ahh... Kaya pala. Kaya ayaw mong umuwi kasi kayo pala ng KAPATID MO ang magkasama. " ani Kyte with a smirk ignoring Eros's question.
Nakita ko kung paano ikuyom ni Eros ang mga kamay para pigilan ang sarili sa sinabi ni Kyte.
Hinawakan ko naman ang braso niya para pakalmahin siya.
"Eh ano namang pake mo ." Eros's replied.
"Are you living together now? Wow Eros. Di ko inakala na magagawa mo to. Are you still thinking straight huh? "
BINABASA MO ANG
My Step Bro is my Ex
RomanceThis is the unedited and the original version of My Step Bro is my Ex. From: Ebook version copyright 2017