26

263 9 0
                                    

CHAPTER 26

Erin's POV

   I decided to stay in a hotel muna for the mean time.  Balak kong dito na muna magpalipas ng umaga at bukas na bukas aalis ako sa kung saan at aalamin ko kung nasaan si Eros.

   Inayos ko ang mga gamit ko at napahiga sa malambot na kama ng hotel. I let out a heavy sigh as I smell the sweet scent from the hotel's air freshener.

I wanna clear my thoughts just this time.  Pero tila ang hirap gawin. Di maalis sa isip ko si Eros. I missed him so much.  Sabik na sabik akong makita siya. Naiiyak ako sa tuwing iniisip kong malayo siya sakin.  Namimiss niya din kaya ako?  Gustong-gusto niya rin bakong makita?  Di din ba siya makatulog ng maayos dahil sa pag iisip dahil sakin?

Gusto ko siyang makita...

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at inoff ko ang airplane mode.

Tinitigan ko nalang ang wallpaper ko kung saan nandun kaming dalawa ni Eros. Naiiyak na naman ako.  Eh kasi naman ang saya namin dito. Gusto ko maranasan ulit ang sayang yun.

Gusto ko sana siyang tawagan or itext.  Ilang beses ko na yung ginawa pero wala naman akong sagot na natatanggap mula sa kanya. Di ko rin siya matawagan. Siguro dahil kay dad. Sinubukan ko na rin sa fb , chinat ko siya kahit na offline siya ilang araw na. Di rin naman kasi siya active sa fb eh. Hays...

Sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko at tumatak dun ang napakaraming messages galing kay Kissandra.  May galing din kay Drix at kay mommy. Tinatanong nila kung nasaan na ba ako at kung okay lang ako. Pinapauwi na rin nila ako at halos pasabugin na nila ang inbox ko sa pagkumbinsi sakin.

Nagpapasalamat ako at may pakialam sila sakin. Pero gusto ko munang kasama ang sarili ko ngayon. Dito makakapag isip ako ng tama.

Nag scroll pako at may nakita ako doong message galing sa isang unknown number.

Na excite ako at napangiti.  Sobrang saya ko. Baka si Eros na to.

Bigla na lang tumigil ang mundo ko at otomatikong bumigat ang pakiramdam ko  sa nakita kong laman ng message.

Iniwas ko ang tingin dito at kasabay ng pagkawala ng pagkawala ko ng buntong-hininga ang pagbuhos ng mga luha ko.

Tinignan ko ulit ang natanggap kong picture. Si Eros ito at may humahalik sa kanyang babae. Hindi.  Hindi magagawa ni Eros sakin yan.

"Let's break up Erin. Eros to. "

Sabi ng kasunod nitong mensahe. Hindi pwede. Hindi to pwede!

Kinumbinsi ko ang sarili ko na hindi si Eros to. Maling mali.  Nangako siya sakin eh. Nangako siyang di niya ko iiwan at ako lang ang mahal niya.  Hinding-hindi magbabago yun.

Nireplyan ko siya.

"Niloloko mo bako? Hindi ikaw si Eros! " patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko habang tinatype ang mga yan.

Natatakot akong baka siya nga to.

Message received from unknown

"Ganyan ka na ba katanga sakin ha Erin? Nagpalipas lang ako ng oras sayo. Tingin mo ba ipagpipilitan ko ang pagmamahalan na sinasabi mo?  Sawa nakong ipaglaban ka. Isa pa,  bumalik na yung first love ko.  Ang totoong mahal ko.  Siya yang nasa picture.  Nagsend ako sayo para malaman mong ako nga to. Break na tayo kaya umalis ka na sa buhay ko.  Kapatid nalang kita. "

Pigil ang hininga ko habang binabasa ko iyong reply niya. Habang tumatagal lalong bumibigat.  Sobrang sakit.

Oo tanga nako kasi di parin ako naniniwalang siya to kahit na nasasaktan nako.

My Step Bro is my Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon