CHAPTER 13
ERIN
Napapabuntong hininga nalang ako habang iniisip ko kung paano ko susuyuin si Eros. Ngayon ko lang na realize na kasalanan ko naman talaga. Narealize ko na masakit yung ginawa kong pag deny sa kanya.
Pag-uwi ko galing sa dinner namin last night, chineck ko sa kwarto niya si Eros pero di ko siya nakita dun. Sabi na nga ba di siya umuwi ng bahay nung nilayasan niya kami sa restaurant kagabi. Sobrang nag-alala ako kaya tinext ko siya ng tinext at tinawagan ng maraming beses. Puro sorry at pagpapaliwanag ang sinabi ko pero snob niya lahat. Worst thing is pinatayan niya ko ng cellphone. Hirap niya suyuin ngayon siguro nga ansakit ng ginawa ko .
Ewan ko nga kung anong oras siya umuwi kagabi. Nalaman ko lang mula sa katulong namin na inumaga na daw si Eros. Tinanong niya naman daw kung saan galing, sabi sa bar saka diretso akyat sa kwarto at hanggang ngayon di parin lumalabas. Siguro tulog or nagmumukmok lang talaga.
Isa pa sa pinoproblema ko ngayon yung Kyte na yun eh. Aish! Parang mababaliw na ata ako! Bakit pa kasi dumating siya?! Bat di nalang siya lumipad kung san man siya galing. Tsk!
Naisip ko ngang bumawi kaya maaga akong gumising para tumulong sa paghahanda ng breakfast. Gusto ko gawin yung laging ginagawa niya sakin sa tuwing nagtatampo ako. Ang lalaki kasi minsan lang naman yan magtampo kapag mali talaga yung nagawa mo. Pero di naman nila yun pinapatagal lalo na kung mahal talaga nila tayong mga babae.
May mga lalaki din namang nagtatampu-tampuhan lang para lambingin. Ang gawin niyo lambingin niyo lang talaga hanggang maumay."Good morning mommy, daddy. Kain na po kayo. Naghanda na po ako ng almusal para sa inyo. " aya ko sa kanila na kabababa palang. Ako naman hinahanda yung mesa para sa kanila. Binati nila ako pabalik at sabay na naupo sa mesa.
"Oh bakit dalawa lang tong plato? Di ka ba sasabay samin? " nagtatakang tanong ni daddy sakin. Para sa kanila lang kasi yung hinanda ko eh.
"Ah busog pa po kasi ako daddy. Tikim kasi ako ng tikim kanina habang nagluluto eh. " natawa naman si daddy sa tugon ko at nagsimula ng kumain.
Masaya naman ako at nasarapan sila sa niluto ko. Aba pinahirapan ko kaya yung lutuin.
"Nga pala, nasan si Eros? " biglang tanong ni dad.
"Bigla na nga lang yun nawala sa dinner kagabi eh. " dagdag pa ni mommy.
"Ehh,, kasi masama daw po ang pakiramdam niya kagabi. Sorry po nakalimutan kong sabihin sa inyo. Kaya nga pinaghanda ko nalang siya ng breakfast. Dadalhin ko nalang dun sa taas. Baka kasi di niya kaya bumaba. Masama pa ata pakiramdam." Mahaba kong pagpapaliwanag para pagtakpan si Eros.
Ayoko kasing may itanong pa sila eh kaya inunahan ko na. Sabihan ko nga mamaya si manang na itikom bibig at baka masabi pa niya kina mommy na galing bar si Eros. Edi yari kami.
"Ang sweet mo namang kapatid anak.. Okay sige, pakisabi nalang din kay Eros na kapag di umayos pakiramdam niya magpacheck up na siya okay? " nakangiting saad ni mommy.
Ngumiti ako ng mapakla kasi di ko maiwasang ma guilty. Niloloko namin ang mga magulang namin para sa sarili naming kaligayahan. I'm sorry ma. I just love my step brother and I don't know if I can make it if I lost him.
.
.
.
.Dahan-dahan kong kinatok ang pinto sa kwarto ni Eros dala-dala ang tray ng hinanda kong breakfast para sa kanya. I knocked his door and called his name for more than 5 damn times pero walang Eros ang nagbukas ng pinto para sakin.
Di nako nakatiis kaya naman pinihit ko na ang doorknob nito. Gladly, di naman siya naka lock kaya malaya akong nakapasok sa loob. I saw him na nakasandal sa head board ng kama niya at nakapikit. Tulog ba to o pumikit lang?
BINABASA MO ANG
My Step Bro is my Ex
RomanceThis is the unedited and the original version of My Step Bro is my Ex. From: Ebook version copyright 2017