8

356 10 0
                                    

CHAPTER 8

ERIN

"I'm sorry talaga Drix.  Bawal ako mamaya eh. May gagawin kasi akong importante. " pagtanggi ko kay Drix.  Nginitian niya ko ng pilit na ngiti.  Hays nakaka guilty!

Tumango naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Okay lang boss!  Hihintayin ko yung araw na ako naman pagkaabalahan mo. " sabay tawa ng nakakaloko.

Binigyan ko siya ng weird look dahil sa sinabi niya. Kaya mas lalo siyang natawa,  "Biro lang Erin ng buhay ko. O hatid na kita sa inyo." Sabay hila sa wrist ko.

"Ah eh? Sa bahay? Wag na ako na." Di pwede. Di naman ako uuwi sa bahay eh.

"I insist. Ayokong umuwi ka ng mag isa kaya sa ayaw at sa gusto mo ihahatid kita."

Nakarating kami sa parking lot ng di niya ko binibitawan. Kaya wala nakong nagawa nung pinapasok na niya ko sa loob ng kotse niya.

Nag beep na naman ang phone ko.

Eros: Puntahan nalang kaya kita?

Nireplyan ko naman siya.

Ako: No need. I'm on my way.

"Here we are. " sambit ni Drix at hininto ang kotse sa tapat ng gate.

"Uhm salamat Drix ha. Sabi ko naman sayo kaya ko na eh. Hahaha. Thanks talaga. " he just smiled at bahagyang sumilip sa bahay namin.

Agad siyang bumaba ng sasakyan habang ako naman abala sa pagtanggal ng seatbelt ko na aish ano ba to.

Bumukas ang pinto ng kotse sa kinauupuan ko at may kamay na tumulong sakin tanggalin yung seatbelt.

Nahawakan niya pa yung kamay ko nung tinanggal niya yung lock. Dahil sa lapit ng distansya namin naamoy ko ang batok niya.  Grabe ang bango. Anong perfume kaya gamit niya?

"Hehe thanks. " bumaba naman kaagad ako nung nakawala nako sa seatbelt .

"Uhmm sige mauuna nako boss.  Kailangan ko pa puntahan si dad eh. " pagpapaalam niya sakin.

Buti naman.  Di rin kasi kita ma imbitahan sa loob kasi baka magalit si Eros eh.  Sige na alis na Drix pupuntahan ko pa si Eros eh. 

"Wait,  kaninong kotse yung red? " nagtatakang tanong ni Drix sabay turo dun sa kotseng pula na nakaparada sa tapat din ng gate namin.

Oo nga noh?  Kaninong kotse yan?

Ahh baka pinark lang.

I just shrugged in response.  Inantay ko munang makaalis si Drix bago ako nagmadaling pumasok sa loob.

Kukunin ko lang car keys ko para mapuntahan na si Eros.

Pero kaninong kotse ba tong nasa labas?

Pumasok nako sa loob ng bahay.  Wala namang tao. 
Patakbo akong umakyat ng hagdan para magtungo na sa kwarto.

"Erosssss.... Sige naaa! " I suddenly heard someone from Eros's room.  Automatic na lumakas ang tibok ng puso ko lalo na nung malaman kong babae ang boses na yun. Malamang siya may ari ng kotse sa labas.

Dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan niya at sinubukang pakinggan yung usapan sa loob ng kwarto.

"Sige na Maiko,  umalis ka na.  Di kita mahahatid may lakad akong mahalaga.  Sige na. " dinig ko.  I know its Eros. I felt mad knowing na nasa iisang kwarto sila. Ganto ka pala humingi ng last chance Eros? 

Last chance ba na mahalin ako?  O last chance para saktan ako?

So that girl is Maiko.  Ahhh same girl na nakita kong lumabas sa kwarto niya nung nakaraang araw. Figures.

My Step Bro is my Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon