32

305 9 0
                                    

CHAPTER 32

Eros's POV

   Nakakabakla man pero naiiyak talaga ako pinipigilan ko lang . Natupad na yung pangarap ko.  Ang makasal sa babaeng mahal ko na kasalukuyan ngayong naglalakad papalapit sa akin. Sobrang saya ko ngayon.  Walang mapaglagyan.

Hindi nako makapaghintay na mahalikan siya sa harapan ng maraming tao. Hindi nako makapaghintay na ipagamit sa kanya ang pangalan ko. Sabik na sabik nakong mahawakan siya at mayakap siya. I've been waiting for her for years.  Salamat at naging mabuti ang diyos at dalawang taon niya lang akong pinanghintay.

2 years ago halos mabaliw nako dahil sa naging kondisyon ni Erin. Tiniis ko ang dalawang taong pagkawalay ko sa kanya para maipagamot siya. Hindi ako gaanong napuruhan kahit na isinuko ko na lahat maprotektahan lang siya. Gustuhin ko mang mamalagi sa america nung natutulog pa siya ay hindi pwede kasi nag aaral ako at graduating pa.

After two years nga nakagraduate nako at nagtatrabaho na din sa company namin.  Malungkot yung graduation ko kasi wala siya.  Araw -araw akong nagdarasal at umaasang magising siya dahil wala na akong ibang babaeng papakasalan kung hindi siya.

At kahit maghintay ako habambuhay ay gagawin ko patunayan lang yun.

After graduation pinuntahan ko siya pero tulog pa siya that time nung bumalik ako tulog parin. Miss na miss ko na siya.  Balak ko sana puntahan siya ulit pero tumawag si tita at ibinalita sakin ang pagising niya. Kaya naman puspusan naming pinaghandaan ang lahat ng to. Pero kailangan niya munang manatili doon saglit para makapaghanda ako ng maayos at maka recover na talaga siya.

Matagal ko na talagang balak na magpakasal pagkagising niya.



Nakangiti siyang naglalakad sa aisle habang tumutugtog yung kantang I will wait for you. PERFECT SONG KASI KAYA KONG MAGHINTAY GAANO MAN KATAGAL MAKAPILING LANG SIYA SA HULI. AT KAHIT ALAM KONG WALA AKONG AASAHAN AY PATULOY PARIN AKONG AASA.

Bigla nalang bumalik lahat ng alaala namin dati habang pinapanood ko ang paglapit niya.

Yung first meet namin. Kung saan nahulog siya dahil sa kakapractice ng sayaw nila at mabilis ko siyang nasalo. Dun ko siya unang nahawakan.

Second meet namin nung aksudente niya kong tinamaan ng bola sa ulo nung may nakaaway siya sa court. 

Bumalik yung mga ala-ala nung mga time na nahulog kami sa isat-isa,  dinaan sa asaran hanggang nagka aminan,  yung mga oras na pinahirapan niya ko ng sobra sa panililigaw bago ako sagutin.

Yung break up namin at kung paano kami bumalik sa piling ng isat-isa.
Yung mga oras na sinubok kami ng tadhana. Kahit mukhang wala ng pag asa.
Gladly nalagpasan namin lahat ng iyon. 

Matapos ang kasal na ito,  marami pa rin naman kaming haharaping mga pagsubok. Mas mahirap pa.  Pero haharapin namin yun ng magkasama. Alam kong malalagpasan parin namin lahat ng yun,  ano man yun.  As long as we have each other.



Ilang dipa pa lang ang layo niya sakin nung tinakbo na niya iyon.  Nag-alala pa ako at baka madapa siya. Mabuti nalang at nakarating siya sa mga bisig ko ng ligtas.

Sinalubong ko siya ng yakap.  Mahigpit na yakap dahil sa pagkamiss ko sa kanya.

"I hate you.  Di mo ko binibisita.  Akala ko kinalimutan mo nako.  Akala ko may iba ka na. " iyak niya.

Natawa naman ako.

"Pinupuntahan kita kaso tulog ka. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na di mangyayaring ipagpapalit kita sa iba ha? Ikaw lang mahal ko.  "

My Step Bro is my Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon