Chapter 8

18 2 0
                                    

"Mag-ingat kayo." Hinalikan ako ni Mama sa pisngi saka nginitian bago tuluyang lumayo. Napahawak ako sa strap ng aking bag ng magsimulang umandar ang tricycle, dumukwang ako at nakita sa likod ni Papa ang Ama ni Ksenia. Dumulas ang aking tingin sa gilid nito.

Natigilan ako ng makita ito doon, nakasandig sakaniyang tricycle habang may kausap na babae. Iniwas ko ang tingin dito at sumulyap kay Ksenia, bahagyang kumunot ang noo ko ng makita itong nakatingin sa labas, kasalungat ng direksyon na tinitingnan ko.

Marahan akong lumapit at sinilip din ang kaniyang tinitingnan, kasabay ng pagbaling ko ng tingin sakaniya ang pagbaling niya din saakin. Napaigtad ako ng bigla itong tumili, naitukod ko ang dalawang kamay sa unahan ng biglang huminto ang tricycle. Napangiwi ako ng makadama ng hilo, napahilot ako saaking sintido at tumingin kay Ksenia.

Kaagad akong natigilan ng makita itong namumutla, biglang nawala ang hilo ko at kaagad na napahawak sakaniyang mga braso.

"Ksenia? Ayos ka lang??" Napalunok ako ng makitang nangangatal ang buong katawan nito, kumunot ang aking noo at kaagad na napalayo ng higitin ito palabas ng kaniyang Ama. Lumayo ito at kaagad na bumungad saakin ang nag-aalalang si Papa, hinawakan ako nito sa braso at giniya palabas.

Hindi maalis ang tingin ko kay Ksenia ng biglang lumapit ang isang lalaki, lumalim ang gitla saaking noo ng bigla itong buhatin ng lalaki at lumakad palayo. Binalingan ko ng tingin si Papa ng ipasok nito si Ksenia sa kotse.

"Papa—" Ginulo nito ang buhok ko at ibinalik ang tingin sa Ama ni Ksenia na lumapit sa paradahan ng tricycle, hindi pala kami masyadong nakalayo. Tuluyang nakaalis ang kotse sakay si Ksenia at ang lalaki.

"Huwag kang mag-alala, Illyra. Magiging maayos din ang lahat." Hinawakan ko ang kamay nito saaking ulo.

"Papa, paano ang pasok ko? Magsisimula na ang klase namin." Ngumiti ito at inalis ang kamay saaking ulo.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa loob, pinag-alala mo si Papa."

"Kaya ko naman ang sarili ko, Papa." Umiling ito saakin at marahan akong hinila papunta sa back ride. Sinulyapan ko ang daang tinahak ng kotse.

Endellion Nevarez.

I know that man very well.

"Ihahatid ng lalaking iyon si Ksenia sa Z.U. huwag ka ng mag-alala pa, Illyra. Pakakalmahin niya lang si Ksenia." Kumunot ang aking noo at bumaling ng tingin kay Papa.

Bahagyang tumagilid ang aking ulo, sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko si Tyson na nakikipag-usap pa rin sa babae, hindi man lang gumalaw sa pwesto nito mula kanina.

"Pa, ano ba ang nangyari?" Ibinalik ko ang tingin sa loob ng tricycle. She's looking at something, I thought she was just scared because of our sudden look to each other. Ngunit mukhang nagkamali ako.

"Sumakay ka na, Illyra. Ihahatid na kita sa paaralan mo." Yumuko ako at saka kaagad na umupo sa likod ni Papa. Bumuntong-hininga ako at napahawak sa suot kong kwintas, hinaplos ko ang pendant sa loob ng blouse saka nilingon si Papa.

Napakurap ako ng makita itong nakatingin saakin sa side mirror, iniwas ko ang tingin dito at sumandal na lamang sa bag na siyang nasa likod ko.

Bago pa man umandar ang tricycle ay may naghagis ng jacket saaking hita, marahas akong napalingon dito at mahigpit na napahawak sa jacket. Nakatalikod ang bulto nito saakin, bumaba ang tingin ko sa jacket na siyang nasa hita ko.

A black jacket.

Hinaplos ko iyon at inayos saaking hita, kumuyom ang kamao kong nakahawak sa tela.

"Pa, tungkol kay Maco—"

"Huwag ka ng mag-alala pa, Illyra. Kami na ang bahala." Malalim akong napabuntong-hininga.

Legendary Warrior of DynastiesWhere stories live. Discover now