Chapter 19

13 0 0
                                    

Nang huminto ang sasakyan ay saka lamang ako bumaling sa labas, wala sa sarili kong hinaplos ang espada na siyang nakapatong saaking mga hita. Hindi ko hinayaang ang mga lalaking ito ang magdala ng espada. Hindi naman sa wala akong tiwala, I just wanted it near me.

"Nariyan na ba sila Mama?" Sinulyapan ko si Sivan, tumingin ito saakin sa rearviewer ng sasakyan bago ako tinanguan. Ibinaling ko ang tingin kay Endellion, diretso lamang itong nakaupo habang mariin ang tingin sa harapan.

"Bababa na ako." Doon lamang ito tila natauhan at kaagad na tumalikod saakin, bumuntong-hininga ako at pasimpleng hinilot ang aking sintido. Mga sakit talaga sa ulo, paano kaya natagalan ni Mama ang mga lalaking ito?

Kaagad akong bumaba ng tuluyang makalabas si Endellion, nagsisunuran naman ang mga ito saakin ng lumakad ako palapit sa tapat ng malaki at magarang mansyon. This is not a traditional mansion, as I've expected. Iniwan na nila ang kanilang tradisyunal na buhay.

Inayos ko ang suot na itim na gloves bago hinawakan ng mariin ang espada, marahan kong inalis ang lalagyan at hinagis kay Endellion, nakabusangot naman ito iyong sinambot. Ibinaba ko ang espada saka tuluyan silang nilingon.

"Let's go inside." Bahagya namang tumango ang mga ito saakin, tumalikod ako at tuluyang lumakad palapit sa pinto ng mansyon. Ilang dipa mula rito ay tumigil ako, inalis ko ang suot na shades ng madinig ang mga yabag palapit sa pinto, marahas kong ibinato ang salamin ng tuluyan itong bumukas. Kaagad naman iyong sinambot ng nagbukas ng pinto.

Humigpit ang hawak ko sa espada ng makita kung sino ito, kunot ang noo nag-angat ito ng tingin saakin. He toss the shades back, na mabilis ko namang sinambot.

"Walang trap ang bahay ng mga Gao." I put the shades at the tube top that I am wearing, bumaba naman ang tingin nito doon kung kaya't mabilis akong humakbang palapit. Tinulak ko ito na dahilan ng paggilid niya.

"Naninigurado lang." This man, what is he doing here?

Natigilan ako ng isang lalaki ang lumapit saakin, nakasuot ito ng itim na suit at bahagyang nakayuko saakin. A Chinese.

"Huwag mong isayad ang dulo ng espada sa sahig, binibini. Magagasgasan." Napakurap ako at bahagyang napasulyap sa hawak ko, kaagad ko iyong inayos upang hindi sumayad saka ibinalik ang tingin sakaniya. Hindi ko akalaing nagsasalita ito ng tagalog at maalam siya saaming mga salita.

"Queen." Bahagya akong napasulyap dito, nasa likod ko na sila at nakapalibot, dahilan upang hindi ko na makita pa si Tyson, ang unggoy na iyon. Ibinalik ko ang tingin sa lalaki.

"Na saan ang mga magulang ko?" Muli itong yumukod saka ako iginiya ng lalaki.

"Sumunod ka saakin." Habang marahan ang paghakbang ko ay panay ang sulyap ko sa paligid, everything in that big mansion shouts elegance, power and money. Ang malalaking chandelier sa itaas ay lubhang kumikislap, ang sahig, ang mga antiques na siyang naka-desplay. Para bang isang maling galaw ay maaari kang makabasag.

I don't want to live in this kind of mansion, so many restrictions, pakiramdam ko ay kakadenahan ako kapag nabasag ko ang isa sa mga ito.

Panaka-naka kong sinusulyapan ang mga lalaki saaking likuran, mamaya ay makabasag ang mga ito, malalagot ako kay Mama. Hindi pa man kami tuluyang nakakarating sa paroroonang silid ay nakadinig na kami ng pagkabasag, mariin akong napapikit ng madinig ang sunod-sunod nitong mura.

Dumilat ako at hinarap ang lalaki.

"I'll pay for that." Tumango lamang ito saakin.

"Let's go, Sword."

"Yes Queen!" Sabay-sabay na sagot ng mga ito, mabilis na binuksan ng lalaki ang pinto at saka gumilid. Pumasok ito at kaagad naman akong sumunod, nang bahagya akong huminto ay muntik na akong masubsob ng may bumangga sa likod ko.

Legendary Warrior of DynastiesOnde histórias criam vida. Descubra agora