Chapter 11

20 2 0
                                    

"Do you miss my banana, my queen Illyra?" Napakurap ako ng sumulpot ang isang saging saaking harapan. Binalingan ko ng tingin si Tyson, nakangisi ito saakin habang nakalahad ang dalawang palad.

"Here, a bj for you." Inis ko iyong kinuha at nilagpasan siya.

"Unggoy." Kapwa kami pumasok ni Ksenia sa kusina dala ang pandesal, tahimik ko iyong nilapag sa lamesa at umupo. Tumabi saakin si Ksenia, at ng sulyapan ko ito ay nakita kong nakatingin din ito saakin.

Iniwas ko ang tingin dito at nagsimulang kainin ang saging at inumin ang buko juice.

"Illyra, saan galing iyan?" Umiling ako kay Mama, sasakit ang tyan ko nito, panigurado. Bakit ko nga ba tinanggap ito?

"Sa labas Mama, nadaanan namin ni Ksenia kanina." Bumaling ang tingin ko saaking kanan ng madinig ang marahas na paghila nito ng upuan.

Nang tumingin ito saakin ay kita ko ang pagsasalubong ng kilay nito, tinanggal niya ang suot na sombrero at ginulo ang dilaw na buhok.

"Saan mo binili, wala namang tindahan ng buko sa labas?" Kumunot ang noo ko.

Paano niya nalaman?

"Ikaw, saan mo ito binili?" Hindi ito sumagot, bagkos ay nag-iwas ng tingin.

Sotello's owned a big company of cars, they have different branch in every country. Their name shouts power, kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit naging tricycle driver ang isang ito. His family is already rich, matunog na ang pangalan nila noong una pa lamang. But I never met them, or saw their faces. Kung kaya't hindi ko sila kilala, akala ko ay katulad lamang ng apelyido niya.

But I got it wrong, isa pala siya sakanila. Then why would Don Sotello throw a party at the Havila's Park, kung kaban naman ang yaman nila? I don't get this people, they are living in the Ferrex Village, and yet they choose to celebrate in our village. In a small willage. Why is that?

Inubos ko ang mga prutas bago ako tuluyang kumuha ng pandesal, hindi na ako magkakape, baka kumulo ang tyan ko sa gagawin ko.

Ksenia in the other hand is so quiet, tahimik lamang itong kumakain at maya't-maya ang pag-usog palapit saakin.

"Baka nakawin mo na naman ang sapatos ko.." Kumunot ang noo ko at nilingon ito.

"May sinabi ka ba, Ksenia?" Gulat naman itong nag-angat ng tingin saakin, saka marahang umiling.

"W-wala naman.." Binilisan ko ang pagkain ko, kailangan ng pumasok at gumawa ng assignment, kailangan pa lagi ng review dahil baka may surprise quiz.

"Magmadali ka na, Ksenia. Madami pa ang gagawin natin." Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagbilis ng subo ni Tyson sa pandesal, sunod-sunod iyon at inisang lagok ang kape.

Tuluyan na akong tumayo ng uminom na ng tubig si Ksenia, tumayo na rin sila Mama at Papa, kasama sila Tito at Tita.

"Tara na." Dumiretso ako sa may pinto ng bahay saka lumabas, kasunod ko si Ksenia at kapwa kami natigilan ng makita ang isang sasakyan na siyang nakatigil sa harapan ng bahay. Kulay ginto ito at kumikinang sa ilalim ng sinag ng araw.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag ng tumabi saakin si Tyson.

"Na saan ang tricycle mo?" Mahina itong tumawa saka mas lalong lumapit saakin, namataan ko si Ksenia na hinahatak ni Endellion palayo mula saamin.

"Bakit? Mas gusto mo ba iyon kaysa sa kotse ko?" Lumakad ako palayo mula rito, hindi ko na maintindihan ang mga magulang ko, noong una ay hindi nila gustong lumalapit ako kay Tyson. Ngayon ay tila wala na silang pakielam kapag lumalapit ang unggoy na ito, kung hindi ko lamang napigilan kagabi ay siguradong sa silid ko matutulog ang lalaking ito.

Legendary Warrior of DynastiesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora