Chapter 18

12 0 0
                                    

"Nandito na tayo." Inayos ko ang suot na shades saka nilingon ang 'driver' na siyang pinadala ni Mama. Nakatingin ito saakin mula sa rearviewer ng sasakyan, bahagya kong sinulyapan ang itim na van saaking likuran, bahagya pa akong napapikit ng kumislap ang mga ito sa ilalim ng araw, nasilaw pa rin ako kahit na may shades na akong suot. Kaagad kong ipinilig ang aking ulo ng may maalala.

Ibinalik ko ang tingin kay Sivan na siyang driver ko ngayon, sa magkabila kong gilid nakaupo si Endellion at si Rashard. Bumuntong-hininga ako, ngayon alam ko na kung bakit palagi kong nakikita ang mga lalaking ito.

Hindi man lang nagtago upang hindi ko makita, mga ulaga. Kaya pala ang andaming trabaho, binabantayan pala ako.

Dinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto ng sasakyan saaking likuran kung kaya't marahan kong nilingon si Endellion.

"May balak ba kayong?" Mabilis naman itong tumalikod at binuksan ang pinto ng van upang makalabas, sumunod naman ako at kaagad na sinuyod ng tingin ang maliit na bahay kubo saaming harapan. Inayos kong muli ang suot na shades bago sinuri ang paligid.

"All clear, Queen." Ang boses mula sa suot kong hikaw ang nakapagpabaling saaking likuran, sinuri ko ng tingin ang mga lalaki na panay ang linga sa paligid. Ang maliit na kubo saaming harapan ay napapaligaran ng matataas na puno sa gitna ng kagubatan.

"Hindi niyo dapat inihinto dito ang mga sasakyan niyo, baka may makakita saatin." Nilingon ako ng isang lalaki at mabilis na nagsalita.

"Don't worry, Queen. We will hide this." Yumukod ito kasabay ng pagkakaroon ng partisyon ng mga lupa na siyang nakapaligid sa mga van, napakurap ako ng mula sa ilalim ng lupa ay lumabas ang isang matigas na bakal na kaagad pumaligid sa van at unti-unting dinala papunta sa ilalim.

Nang tuluyan itong maglaho saaking paningin ay saka lamang ako nagbaling dito ng tingin.

"Anything for the Queen." Kaagad akong tumalikod at lumakad palapit sa pinto ng kubo.

"Stop calling me Queen." Maybe that is why, that monkey calls me 'Queen', because he knew, he already knew that I am a Sun. That fool.

"Lucien, at your service, Queen." The street food vendor says, napairap na lamang ako, mukhang mahirap din pagsabihan ang mga ito.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kubo ng may mauna na saakin.

"It's too dusty for you to hold it, Queen. Let me do it for you." Bahagya kong naitaas ang aking mga kamay.

"Okay, thanks." What is happening? Bakit ganito ang mga lalaking ito?

"Khairro, Queen." Wala sa sarili kong pinisil-pisil ang aking mga daliri habang inililibot ang tingin sa paligid. Sira-sira na ang mga kawayan, marahan pang pumapasok ang sinag ng araw mula sa iba't-ibang parte ng butas na bubong. Maalikabok at puro sapot na ng gagamba ang paligid, ngunit wala namang basura, nagkalat lamang ang mga sira kawayan sa sahig.

"This is planned, Queen. Para maitago ang totoong nilalaman." Tumango-tango ako sa sinabi ni Rashard.

Mama and Papa was left alone in our house, matapos ang pag-uusap namin, Ksenia and her parents took her and told me that they will hide their daughter. I agreed, just to protect her, hindi ko alam ang susunod na plano ni Mama at Papa, or what Tito and Tita is planning to do. Dahil ang alam ko, matapos ilagay sa ligtas na lugar si Ksenia, they will go back to our house, and I don't know what's next. My mother just told me that this boys will bring me to them once I am done here.

"Ang daming nagbago."

"Yes, the system and our weapons are upgraded." Nilingon ko ito, nakapamulsa habang nililibot ang mga mata sa paligid.

Legendary Warrior of DynastiesWhere stories live. Discover now