Chapter 16

12 2 0
                                    

Marahan kong naibaba ang hawak na espada at napalunok ako at hindi na gumalaw pa, unti-unti ay sumilay ang ngisi sa labi ni Heike habang marahan siyang tumatayo.

"Look, Illyra. Tingnan mo nga naman, nabaliktad na ang sitwasyon natin." Bumaba ang tingin ko sa impis ng tyan nito.

Heike.. is pregnant?

Bahagyang tumagilid ang aking ulo, dama ko ang pagsunod ng malamig na metal saaking ulo. Umiiling-iling si Heike habang pinasasadahan ako ng tingin.

"Nahulog ka sa bitag ko, hindi ko alam na ganiyan ka pala katanga para hindi mo mapansin." Inalis nito ang nakapulupot na kumot sakaniya, nang-uuyam ako nitong tiningnan bago sinulyapan ang aking likuran.

"Kita mo, Illyra? Hindi ba at sinabi ko na saiyo, I gave you a hint earlier. But you didn't took it seriously, tingnan mo tuloy ang nangyari. Ikaw ang mukhang kawawa saatin." Mariing nagngitngit ang aking mga ngipin habang dumidiin ang kapit sa espada, bumaba naman ang tingin niya doon.

"At mukhang ikaw ang mabibigyan ng karangalan, Illyra. Kawawa ka naman, bakit kasi hindi mo ginagamit ang utak mo at basta ka na lamang nagtiwala? Tingnan mo tuloy ang kinalagyan mo ngayon." Inihagis nito sa kabilang direksyon ng silid ang kurtina saka marahang lumakad palapit saakin.

"Nauto, mamamatay at mabibigyan ng karangalan. Mapapasakamay ko ang pinaka-iingatan mong espada, makukuha ng pamilya ko ang kapangyarihan habang ang mga magulang mo ay magdudusa dahil nawala ang pinakamamahal nilang anak." Dumiin ang titig ko dito, nang tuluyan itong makalapit ay makailang ulit nitong ti-nap ang balikat ko.

Padiin ng padiin sa bawat minutong lilipas.

"But I can spare your life, you know. Only, if you will follow my orders." Tumaas ang kamay nito saaking buhok, she twirl my hair and smirk at me. Mabilis kong tinabig ang kamay nito at nadama ko ang panginginig ng baril sa likod ng aking ulo.

"Don't touch me, with you filthy hands, bitch." Kita mo ang pamimilog ng mga mata nito at mabilis na napaatras, mariin kong pinagsiklop ang aking mga braso. Malakas ang tibok ng aking puso, sumasabay sa panlalamig ng aking mga palad, ngunit hindi ko iyon pinahalata.

Humaharang ang malakas na tibok ng aking dibdib sa pagpasok ng hangin saaking katawan, lihim akong lumunok habang pinipigilan ang bikig saaking lalamunan. Why do I need to be in this kind of situation? I don't like how the cards has turn.

Nang-uuyam na itinaas nito ang dalawang kamay, tila senyales ng pagsuko saka siya humakbang paatras.

"Hindi mo pa ba maintindihan, Illyra? Talo ka na, saating dalawa, ako ang nanalo. Ako ang lalabas na buhay sa silid mo, tangay ang pinakamamahal mong ala-ala ng Lola mo." Umiling ako dito.

"At hindi ko hahayaan iyon, mas mahalaga pa ang espada na ito kaysa sa buhay ko, Heike." Napailing ito saakin, mabilis kong pinalis ang dugo saaking noo, kanina pa ang pag-ikot ng aking paningin. Ngunit hindi ko magawang pumikit kahit isang segundo, hindi ako maiisahan muli ng babaeng ito.

"He is the one who gave you the banana, with a sleeping pills." Marahas kong ikinilos ang aking ulo dahilan para manginig muli ang baril saaking ulo, ngunit kaagad naman nito iyong itinutok muli saakin.

"Don't move, Illyra."

"I can move whenever I wanted to, hindi mo ako mauutusan." Malakas na tumawa saaking harapan si Heike.

"Illyra, everything is planned. Ang pagdadaos ng party ng Lolo ni Sotello sa Havila Park, ang putok ng baril na nagawa ko, at ang paglabas ng mga magulang mo upang hanapin ako. Well, they didn't know it's me, and that gunshot is just for a show. Ang hudyat ng pagpasok niya sa bahay ninyo, you let him in. Didn't you?" Tumaas lamang ang kilay ko ng makailang ulit itong pumalakpak.

Legendary Warrior of DynastiesWhere stories live. Discover now