Chapter 9

18 2 0
                                    

Kapwa kami napabaling sa aking telepono ng tumunog ito, akma ko na itong kukunin ng kuhanin ito ni Tyson. Lumapit ako dito at sinubukan iyong agawin mula sakaniyang kamay ngunit iniwas lamang nito ang telepono.

"Unggoy." Umupo ako sakaniyang tabi at sinubukan na makisilip, mukhang hindi niya ito bibitawan hangga't hindi niya nakikita.

Makailang ulit akong napakurap ng makitang itinipa nito ang password at mabuksan ang message, mabilis ko iyong hinablot mula sakaniya ng makita ang pangalan ni Ksenia, hind ito nakahuma dahil sa bilis kung kaya't mabilis ko iyong nailayo saamin. Bago pa man ito makalayo ay hinawakan ko na ng mahigpit ang kaniyang braso.

"Gagamutin pa natin ang sugat mo." Ibinaba ko ang tingin sa braso nito at inilapit ang kamay ko dito, akma ko na itong hahawakan ng mahuli nito ang pendant ng suot kong kwintas at higitin ako palapit sakaniya. Nanlaki ang mga mata ko at naiangat ang tingin dito.

Malakas akong napasinghap ng makita kung gaano kami kalapit, lumunok ako ng makitang nakababa ang tingin nito sa pendant at kaagad din na nag-iwas ng tingin ng umangat ang tingin nito.

"Let go of me, kukunin ko na ang palanggana, kailangan iyan malinis."

"Daplis lang ito, Illyra." Pinalis ko ang kamay nito at kaagad naman niyang inalis ang kamay sa kwintas, tumayo ako at lumapit sa pinaglapagan ko nito, pasimple ko pang kinuha ang telepono ko at isinuksok sa maliit na siwang ng drawer.

"Alam ko." Umupo ako sa ibaba ng kama saka inilapag ang palanggana sa saaking tabi.

"Umupo ka dito, at tanggalin mo ang jacket mo." Walang imik naman itong sumunod saaking sinabi, umupo siya sa tapat ko matapos hubarin ang jacket na suot. Hindi ako nagsalita at nagsimula ng punasan ang kaniyang sugat, matapos iyon ay binalutan ko ng benda ang kaniyang braso.

"Hindi ka dapat saakin dumiretso, sa hospital dapat, Tyson. Umalis ka na at ipatingin mo iyan sa doctor, baka magkaroon pa ng komplikasyon ang sugat mo." Tumayo ako bitbit ang palanggana saka ako pumasok sa banyo, inayos ko ang mga gamit bago lumabas ng banyo. Kaagad akong natigilan ng makitang hawak na nito ang telepono ko.

Nakaupo ito sa may kama ng dahan-dahang ibaling saakin ang tingin, napakurap ako ng kunin nito ang isang unan at ibato saaking direksyon, sa isang kisapmata ay dumilim ang buong kwarto ko. Alas-sais na ng gabi kung kaya't madilim na sa labas, hindi ko maaninag ang buong paligid.

Akma na akong hahakbang ng madama ang presensya saaking likuran, hindi pa man ako nakakapagsalita ng isang palad ang tumakip saaking bibig, nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ako nakagalaw ng pumulupot ang kanang braso nito saaking bewang dahilan para hindi ako makakilos ng tuluyan.

"My queen.." Nakagat ko ang ibabang labi ng madama ang mainit nitong hininga saaking tenga.

"That woman is planned.." Hindi ko napigilan at naipaling ko ang aking mukha pa-kanan, ngunit hindi ako nito hinayaan.

"They are after your family." Mabilis akong umikot paharap dito, kapwa kami nagulat ng sa kakaunting liwanag mula sa buwan ay nasilayan ko ang kaniyang mukha, lumunok ako at humakbang palayo. Iniwas ko ang tingin dito saka lumakad palapit sa bintana ng aking silid, binuksan ko iyon at iginilid ang kurtina.

"Tyson, kailangan mong ipatingin ang sugat mo, umalis ka na, bago ka pa maabutan nila Mama." Nilingon ko ang kinatatayuan nito, ilang segundo itong hindi gumalaw, bago tuluyang lumakad palapit sa kama at kinuha ang kaniyang jacket. Hindi nito iyon sinuot at saka lumakad palapit saakin.

"Huwag kang maglambitin kung saan-saan kung gusto mong gumaling iyan." Tumama ang liwanag mula sa buwan sa kalahating bahagi ng mukha nito, tila kumislap ang kulay dilaw nitong buhok lalo na ng pumorma ng ngisi ang labi nito.

Legendary Warrior of DynastiesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt