Chapter 6

26 3 0
                                    

Unti-unti akong napatingin sa itaas, sinuyod ko ng tingin ang paligid. Tumigil ang mga mata ko sa pinakatuktok ng puno, marahan kong inalis ang mga braso ni Tyson saka lumakad palapit sa canteen. Lumakad ako palayo ng ilang metro mula sa puno bago ako tumigil at muli itong nilingon.

Nilingon ko ang bintana ng aking silid, ang tuktok ng puno at ang pwesto na inupuan namin kanina sa canteen.

"Illyra.." Ibinalik ko ang tingin kay Tyson, nilingon ang lalaking nagngangalang Sivan na ngayon ay nakatayo na at nakasandal sa pader. Muli kong inilibot ang aking tingin sa paligid, huminto ito sa bagay ilang metro ang layo mula sa puno.

Marahan akong lumakad at lumapit dito, yumuko ako at muling kinuha ang tinapon nitong balat ng saging. Ilang minuto lamang ay nadidinig ko na ang mabibilis nitong yabag, huminto iyon saaking tabi.

"What is it, my queen?" Inikot ko ang balat na hawak at sinuri ang pagkabiyak nito, kaagad akong natigilan ng makita ang madikit na transparent sa itaas na parte ng saging, sinubukan kong hilahin ito paalis saka itinapat sa araw.

A transparent tape.

Muli ko iyong itinapon saka nagmamadaling lumakad paalis.

"Illyra wait!!" Nagngitngit ang mga ngipin ko ng magsimulang bumigat ang talukap ng aking mga mata, same tactic, shit naisahan na naman ako!

"My queen Illyra!"

"Shut up!!!" Lakad-takbo na ang aking ginawa, napatigil ako ng umikot ang aking paligid, mariin akong napahawak sa pinakamalapit na pader at napapikit. Nanginginig na sumandal ako sa pader at kinuha ang aking telepono, muli akong bumalik sa pagtakbo ng madinig ang kaniyang mga yapak palapit saakin.

Sinubukan kong tawagan si Ksenia at pilit na tumakbo sa nangangatog na mga tuhod, nangitngit ang aking mga ngipin ng patay ang telepono nito, hindi ko matawagan. Sinubukan ko ang telepono ni Papa at Mama, ngunit maging ang kanila ay nakapatay din.

Napasinghap ako ng madinig ang ingay ng tricycle, kaagad kong naisuksok ang telepono saaking bag at nilingon ang paparating, namungay ang mga mata ko at napalunok ng madama ang marahang dampi ng hangin saaking balat.

Hinintay ko itong makalampas saakin, ngunit hindi ito nagdiretso, bagkos ay tumigil saaking harapan.

"Illyra.. sakay na." Napilitan akong sumakay sa loob, humawak ako sa gilid ng tricycle at kaagad na ipinatong doon ang aking kaliwang pisngi saka pumikit.

I should have known..

"Illyra."

"I'm fine."

Napadilat ako ng madama ang mabilis na pagtakbo ng tricycle, naningkit ang mga mata ko ng makita ang malabong paligid, umiikot ang lahat. Muli ko na lamang ipinikit ang aking mga mata, nilalabanan ang antok. Hindi ko nais mahulog mula sa tricycle dahil lamang sa nakatulog ako.

Malakas ang hampas ng hangin at ang alog ng tricycle, hindi na nakakagulat, bako-baku naman talaga ang kalsada. At mas bumilis ang takbo ng tricycle.

"My queen.."

"Tyson, tumahimik ka, ayos lang ako."

I need to get home, pakiramdam ko ay hindi ako ligtas dito, dahil sa antok.

Hinayaan kong mauntog ang aking sarili sa tricycle, nais ko lamang magising kahit kaunti.

"Nandito na tayo." Kaagad akong lumabas mula dito at nagkukumahog na lumakad palapit sa pinto.

"Illyra.." His voice is so gentle, just like the wind in the afternoon, hypnotic.

Nakasandal ang ulo ko sa pinto at nakapikit, ang bigat ko ay nailipat na sa pinto, bumaling ang ulo ko sa kanan bago ako tuluyang kumatok. Tuluyang nahulog ang aking sarili ng bumukas ito at kaagad na nilamon ng dilim ang aking paligid.

Legendary Warrior of DynastiesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant