Chapter 4

27 3 0
                                    

Akma na akong bababa mula sa kama ng malakas na bumukas ang pinto, napapikit ako ng pindutin nito ang switch ng ilaw at bumaha ng liwanag sa paligid. Naiharang ko pa ang aking kamay upang sanggain ang liwanag, panay ang kurap ko dahil nanlalabo pa ang aking paningin.

Marahan kong inalis ang kamay ko mula sa nakakasilaw na liwanag ng umayos na ang aking paningin.

"Mama!" Napalunok ako ng makita ang itsura nito, marahan niyang hinuhubad ang suot na itim na jacket. Hinagis nito iyon sa kabilang panig ng hallway saka ito ngumiti saakin at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.

"Anak, kakain na ng tanghalian." Kumunot ang noo ko, sumulyap ako sa orasan bago ibinalik ang tingin kay Mama.

"Ma, six thirty pa lang, hindi ba at alas-siyete pa ang oras ng hapunan?" Lumawak lamang ang ngiti nito at kaagad na lumapit saakin.

"Gusto mo ba iakyat ko na lang ang hapunan mo? Para hindi ka na gumalaw pa." Bumaba ang tingin ko saaking mga kamay, wala akong kumot kanina..

"Bakit Ma? Kaya ko namang lumakad pababa."

"Hindi ba at masakit ang balakang mo?" Dumiin ang kunot saaking noo, marahan akong nag-angat ng tingin dito at bahagyang tinagilid ang ulo.

"Ma, paano mo nalaman na masakit ang balakang ko? Hindi ko naman binanggit iyon saiyo." Napayakap ako saaking braso ng makadama ng lamig, humampas ang hangin saaking balat dahilan para mapabaling ang tingin ko sa may bintana. Patay ang aircon, at bukas ang bintana.

"Nakita ko kasi ang salonpass at langis sa drawer mo." Bumalik ang tingin ko dito.

"Ma, hindi lang naman sa balakang inilalagay ang salonpass at langis." Nag-iwas ito ng tingin saakin, sumulyap ako sakaniyang likuran saka ibinalik ang mga mata sakaniya.

"Saan ka pala galing, Mama? Bakit nakasuot ka ng jacket kanina? Lumabas ka ba?" Dahan-dahang bumalik ang tingin nito saakin.

"Malapit na ang Disyembre, anak. Kaya malamig talaga, kaya ako nagsuot ng jacket." Mariin akong napatitig dito.

She can wear a scarf or other jacket that is not fitted and shiny black.

Napailing na lamang ako at napayuko.

"Halika na, Illyra, kumain na tayo sa ibaba."

"Ma, may kandado ang drawer ko, paano mo iyon nabuksan kung wala ka namang susi nun?" Pinaglaruan ko ang aking mga daliri, hindi ako nagkakamali sa ingay na siyang gumising saakin, hindi ako nananaginip. That's not an illusion.

"Nahanap ko ang susi, sa cabinet mo sa banyo." Umangat ang tingin ko dito. Tinuro ko ang bedside table habang hindi inaalis ang tingin sakaniya.

"Ma, ang susi ay nasa ilalim ng mga libro ko, paano iyon napunta doon?" Lumunok ito at nag-iwas ng tingin, yumuko si Mama bago humakbang paatras.

"Hihintayin na lang kita sa ibaba, anak. Baka lumamig na ang pagkain, sumunod ka kaagad." Pinanood ko ang paglabas nito sa pinto, si Mama na mismo ang nagsarado nito. Naghintay ako ng ilang minuto bago dahan-dahang inalis ang kumot saaking katawan, marahan ang aking mga lakad palapit sa may pintuan. Pinatay ko ang ilaw at kaagad na lumuhod sa gilid.

Nilingon ko ang bintana kung saan sumasayaw sa hangin ang kurtina, lumunok ako bago sinulyapan ang ilalim ng pintuan. Kitang-kita ang nakaharang na anino nito sa liwanag.

Hindi siya umalis..

Sumandal ako sa pader bago bumuntong-hininga, masyado talagang matigas ang ulo ni Mama. Hindi papayag na ako ang masunod saaming dalawa. Tumayo ako at binuksan ang ilaw, marahas kong binuksan ang pinto at gulat na nabitawan ang seradura ng mapahiga si Mama sa sahig.

Legendary Warrior of DynastiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora