Chapter 14

12 1 0
                                    

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng mawala ang malamig na bagay saaking noo, maingay na lumikha ng tunog ang metal na tumama sa sahig. Dinig ko ang pagsinghap ni Ksenia saaking tabi, marahas akong napalingon saaming unahan.

Marahan nitong ibinaba ang baril na hawak at kaagad na lumakad palapit saamin.

"Mama." Tipid itong ngumiti saakin at kaagad na itinago ang baril sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"You okay, Illyra Sheen?" Kumunot ang aking noo.

"Ma, hindi mo dapat ginawa iyon, baka may makakita saatin." Umiling ito at nilingon ang kaniyang likuran, namataan ko doon si Papa na lumalakad palapit saamin, sa likod nito ay ang mga magulang ni Ksenia.

"Sotello, Nevarez."

"Tito." Sabay na saad ng dalawa, bahagya akong napaigtad ng madama ang init saaking likuran. Napapiksi ako ng madama ang pagsigid ng kuryente ng maglapat ang aming mga balat. Lumunok ako at kaagad na bahagyang umurong palayo mula dito.

Kapwa kami ngumiwi ni Ksenia ng madinig ang sinabi ng dalawa. Nag-improve, tito na ngayon.

Binalingan ko ng tingin ang katawan na siyang nasa sa sahig, umabante ako ng madama ang mas lalong paglapit ni Tyson saaking likuran.

Lumunok ako ng makita itong nakahandusay sa sahig, suot ang isang maskara na bahagyang tumagilid. Bahagyang tumagilid ang aking ulo kasabay ng pagyakap ni Mama saakin.

"I'm okay, Ma." Saad ko ng hindi inaalis ang mga mata sa babae, kita ko ang mahaba nitong buhok, and a very familiar mask. Mask with two spear that is crossing each other.

"Illyra, don't let your guard down, again." Bahagya akong tumango dito.

"Don't worry, no one saw us, and I just put her into sleep." Napalingon ako kay Mama dahil sa sinabi nito, nasa likuran na nito si Papa kasama ang sila Tito at Tita.

"Uuwi na tayo." Lumakad palapit si Tita at hinaplos ang pisngi ni Ksenia, hinawakan nito sa braso ang anak at hinila palapit.

"Nevarez, Sotello. Kayo na ang bahala, dalhin niyo ang babaeng iyan sa bahay." Wala sa sarili akong sumulyap kay Tyson na siyang hindi gumagalaw saaking likuran. Mataman din itong nakatingin saakin, napahawak ako sa braso ni Mama ng unti-unting sumilay ang ngisi sa labi nito.

Bahagya akong napalayo dito ng tila kumislap ang dilaw nitong buhok sa ilalim ng sinag ng araw, nakakapanghina ang mapaglarong ngiti sakaniyang labi. Halatang may kalokohang naiisip.

Nang hindi kayanin ay iniwas ko na ang tingin dito.

"Don't try, unggoy. Isusungalngal ko saiyo ang lahat ng saging mo." Hindi ko nagugustuhan ang ngising unggoy mo, huwag mo akong subukan, mas lalo ka lang nagmumukhang unggoy sa paningin ko, Tyson.

"Don't worry, I will sanitize myself after this, my queen. Maliligo ako ng bj para lang sa'yo." Hinila ko na palayo si Mama, mabuti at hindi man lang nito napansin ang sinabi ni Tyson. O mas tamang sabihin, hindi pinansin.

Bumuntong-hininga ako, sinigurado ko munang malayo na kami sakanila bago ako nagsalita.

Hindi nila kailangan marinig ang aking katanungan, hindi dapat nila marinig pa.

"Ano ang nangyari Mama? Bakit biglang nagbago ang isip mo?" Marahan ako nitong nilingon, maliit itong ngumiti saakin bago pinadulas ang palad papunta saaking kamay. Pinisil nito ang kamay ko bago nagsalita.

Kita ko ang pagbaba nito ng tingin saaking leeg, kumurap ako at sinundan ang tingin nito.

"You know what's that necklace is for? Illyra?" Itinuon ko ang paningin sa harapan at hindi nakapagsalita, lumunok ako habang tuloy lamang ang aming mga lakad ni Mama.

Legendary Warrior of DynastiesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant