Chapter 13

15 2 0
                                    

Kasabay ng pagtunog ng bell ang malakas na sigaw ni Tyson.

"Illyra!!" Lihim akong napangiwi, napailing si Maco at tumalikod na saakin.

"Hindi pa tayo tapos."

"When will you accept that I will not gave that thing to you? That thing is the only memory that we have from my great great grandmother, so why should I gave it to you? It is ours from the start, saamin iyon ibinigay, legally. I know, Maco. Hindi ito matatapos, hindi ko ito matatapos, dahil una pa lamang ay kayo na ang nagsimula." Tumalikod na ako at lumakad papunta sa kasalungat na direksyon.

I don't want my family see me with this man, I know they will freak out once they knew.

"Learn to give up, Illyra." Napangisi ako at nagpatuloy ang paglalakad palayo dito.

"No, sa sarili mo dapat sabihin ang mga salitang iyan, Maco. Matuto ka, ng sa gayun ay lahat tayo ay matahimik." Tuluyan akong nakalayo at nakaalis sa likod ng gusali.

Kaagad kong sinuyod ng tingin ang buong paligid, hindi ko alam kung bakit ganun na lamang sumigaw si Tyson, para bang naliligaw ako sa sarili kong eskwelahan.

Pinagsiklop ko ang aking mga braso ng makita sila Mama na may hawak na papel, kumunot ang noo ko at bahagyang tumagilid ang ulo. Nanlaki ang mga mata ko ng sandaling umangat ng bahagya ang mga papel na hawak nito. Mabilis akong lumakad palapit dito at hinablot ang hawak nila Papa at Mama.

"Ma! Ano ba ito!?!" Itinapon ko ang mga papel sa pinakamalapit na basurahan bago binalingan ng tingin sila Mama. Inilibot ko ang tingin sa paligid, nakahinga ako ng maluwag ng makitang akmang ipapamigay pa lamang ito.

Nagulat ako ng bigla akong sugurin ng yakap ni Papa.

"Nako anak, akala ko nawala ka na." Tinapik ko ito sakaniyang likuran ng madama ang haplos ni Mama saaking buhok.

"Pa, nasa likod lang ako ng building, paano kayo nakapa-imprinta ng ganoon kabilis?" Napaka-kapal nun ng sulyapan ko ito sa basurahan. At talagang seryoso silang ipapamigay nila iyon, at sa eskwelahan pa.

"Akala ko nawala ka na, anak." Paano ako mawawala sa sarili kong eskwelahan?

"Pa, hindi ako kinder, isa pa. Kapag nawala ako ng walang paalam, hanapin niyo muna ako, hindi iyong magpapa-print kaagad kayo ng mukha ko na may nakasulat na missing." Nang alisin ni Papa ang mga braso niya saakin ay si Mama naman ang yumakap saakin.

"Nako anak, magpaalam ka naman kasi. Hindi pa natatapos ang imbestigasyon, hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap ang salarin. Kaya huwag ka munang gumala-gala, Illyra Sheen. Kukurutin kita, makikita mo." Napangiwi ako, ganito talaga siguro kapag nag-iisang anak. Niyakap ko din pabalik si Mama.

I forgot to ask Maco about it, no. Mukhang hindi naman niya sasabihin saakin.

Lumibot ang tingin ko sa paligid, muling kumunot ang aking noo ng walang makitang mga taong naka-uniporme na nagkalat sa paligid, na saan ang imbestigador na sinasabi nila Mama?

Kumunot ang noo ko ng makita ang kumpulan ng mga estudyante sa hindi kalayuan, mostly girls.

Umawang ang labi ko ng makita ko si Rashard, may bitbit itong lalagyan na may tinapay sa loob at nagbebenta. Si Endellion ay nakita ko hindi kalayuan na may hawak na mga sapatos at kausap si Ksenia na hindi ko makita ang reaksyon dahil nakatalikod, may nakita pa akong street food vendor sa tabi ng fruit stand na kapwa mga lalaki ang nagbebenta, mga lalaking siya ring biglang sumulpot sa Havila at nagbenta.

Napakurap ako ng makita ang tatlong lalaki, ang isa ay nakasuot ng pang tanod na uniporme habang ang dalawa ay nakasuot ng uniporme ng N.U. at Z.U. dumaan ito saamin at tinanguan lamang ako. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Sivan na nakasuot ng pang-guwardiyang damit habang kausap ang guard ng school. Nalaglag ang mga braso ko mula sa likod ni Mama ng makita ang isang sari-sari store na siyang nagbebenta din sa Havila.

Legendary Warrior of DynastiesWhere stories live. Discover now