Chapter 15

11 1 0
                                    

Hindi ito nakagalaw, marahan kong inilayo mula sa leeg nito ang espada saka ko binuksan ang ilaw sa silid. Bahagyang tumagilid ang aking ulo habang mariin ang tingin dito.

Paano kaya ito nakarating sa silid ko?

Pinagsiklop ko ang aking mga braso habang hawak pa rin ang espada, hindi ito gumalaw, tila nanigas na ng tuluyan sakaniyang kinatatayuan.

"Just kidding, what do you want, Heike?" Bahagya nitong iginalaw ang kaniyang ulo at sumulyap saakin, ng makitang wala na ang nakatutok na espada ay kaagad niyang inilingon ang buong katawan niya saakin.

Bumaba ang mga mata nito sa hawak kong espada, tumaas ang sulok ng labi nito at ibinalik ang mata saakin.

"Kailangan ng pamilya ko ang bagay na iyan, Illyra." Sinulyapan ko ang hawak na espada, itinaas ko ito ka-lebel ng aking mukha saka ko siya tiningnan.

"Hindi namin kailangan ang bagay na ito, pero mas malaki ang importansyang dala nito saamin kaysa sa nais niyong makuha mula sa bagay na ito." Mas sumingkit ang mga mata nito dahil saaking sinabi.

"This sword came from my great great grandmother, Heike. At hinding-hindi ko hahayaang dumihan niyo ito gamit lamang ang pagkagahaman ninyo, walang Gao ang makakahawak sa pag-aari ng Zalora, Heike." Pinagsiklop nito ang kaniyang mga braso bago ako pinasadahan ng tingin.

"Mas mukha kang pinoy, Illyra. Hindi ka mukhang Chinese, at isa pa, ninakaw lang naman iyan ng Lola mo mula saamin!" Nagtangis ang aking bagang, mariin akong napahawak sa espada bago nagsalita.

"Kailanman ay hindi naging magnanakaw ang Lola ko, isa pa, ang mga Gao ang nais kumuha nito mula saamin. Kayo ang mas nagmumukhang magnanakaw saatin, Heike. Ang espadang ito ay legal na ibinigay saaking Lola at legal na ipinasa sa kaniyang henerasyon, walang magnanakaw sa pamilya namin, Heike." Galit na napatayo ito ng tuwid habang kuyom na kuyom ang kamao.

"Sinasabi mo bang kami ang magnanakaw, Illyra? Pati ang organisasyon na binuo ng Lola mo ay saamin, kami ang nagpatayo nun! Kami ang nagpayaman sa Lola mo, saamin dapat iyon!!" Hindi ko na napigilan pa at naitapat ko ang espada sakaniyang leeg, kaagad itong natigilan at hindi nakakilos. Bahagya pang nakataas ang dalawa nitong kamay, tila ako pinipigilan saaking nais na gawin.

"Heike, umalis ka na bago pa marinig nila Mama ang mga pinagsasabi mo, hindi mo magugustuhan kapag sila na ang humarap saiyo. Umalis ka na, dahil wala kang mahihita saakin. Dahil kahit na anong pabalik-balik mo at pagsubok na kunin ang bagay na ito, hindi ka magtatagumpay."

Lakas loob nitong itinulak palayo ang espada kung kaya't maging ako ay napaatras, bahagya kong naibaba ang espada ng nang-uuyam nitong pinasadahan ako ng tingin.

"Illyra, ang espada na iyan ay ginawa para lamang sa mga Chinese, at ano ang karapatan mo para humawak niyan? Kalahati lang naman ng pagka-chino ang dumadaloy sa dugo mo, ang espadang iyan ay ginawa pa ng aming ninuno!"

"Na siyang ibinigay sa Lola ko dahil sa kagitingan at katapangan niyang ipinamalas, hindi naman basta-basta magbibigay ng mabigat na bagay ang mga Gao ng walang katapat na dahilan. Heike, ang mabuti pa, umalis ka na, hindi mo kilala ang pamilya ko." Kumapa ito sakaniyang bewang, dumiin ang titig ko dito ng unti-unting sumilay ang ngisi sakaniyang labi.

Inilabas nito ang isang baril, kinasa nito iyon at tinutok saakin.

Shit! Tyson didn't get it from her!!

Pinaglaruan nito ang baril sakaniyang kamay habang nakangiting aso saakin.

"Pinagbigyan na kita, Illyra. Ngunit hindi mo pa rin isinuko ang gusto ko, hindi naman tayo aabot sa ganito kung ibinigay mo ang nais ko." Dumiin ang hawak ko sa espada.

Legendary Warrior of DynastiesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora