Chapter Thirteen

1.9K 87 10
                                    

Chapter 13


"Natanggal ako sa student's org. Hindi na ako officer," pagtatapat ko kay King. That is my worst punishment I am talking about. Buong buhay ko hindi ako nakatanggap ng kahit anong parusa sa school, ngayon lang, at sobrang bigat pa. Hindi ako sanay na may nangyayaring ganito sa akin lalo na't usaping aral. Alam ni Lei iyan.


"Ano bang nangyari? Bakit ka napaaway?" Seryosong nakatingin lang siya sa akin. Dinala ako ni King sa likod ng civil engineering building, sa mga benches, para makausap.


I bit my lower lip and refused to speak. Problema ko naman ito, labas na siya.


"Is it about your friend?" he asked.


"Uuwi na ako." I stood up and ready to go.


"Okay, I won't force you to open up." He sighed and went near me.


"Uuwi na ako," mahina kong sabi sa kanya.


"Alam ko."


"Huwag mo na akong ihatid—"


"Ihahatid kita," mariin pa rin niyang sabi. "After what happened, Casper, hindi kita hahayaan na umuwing mag-isa na."


Muli, nag-iwas ako ng tingin at simangot na naglakad. Tahimik lang ako hanggang sa nakasakay na sa jeep.


"Bayad po." abot ni King sa 50 pesos. Tinitigan ko ang pera.


"Ilan 'to?" tanong ng driver.


"Lima po," si King. Lihim akong nagbuga ng hangin. I don't have much strength to argue with him right now. 


I remained silent 'til we get to our house. Ni hindi ko na rin siya nilingon pagpapasok ng bahay.


Dumeretso agad ako sa kuwarto ko at nahiga. Ngayon napagtanto ko kung ano ang nagawa ko. Seriously, Casper? Nakipag-away ka? Sa loob pa ng campus? Ano ngayon? Hindi ka na officer sa organization.


I closed my eyes because of frustration. It's okay... paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili. No big deal.


No big deal, right? But why am I crying? Nakakainis ako minsan, alam ko. Pati nga ako naiinis na rin eh. Kahit paulit-ulit kong sabihin na ayos lang, hindi ko pa rin magawang maging ayos.


Natulugan ko ang sama ng loob, kung hindi lang ako ginising ni Mama para sa hapunan hindi pa ako magigising. Maging sa hapag naging tahimik ako. Mama is watching my moves.


"May problema ba?" Mama asked when we finished our food. I bit my lower lip and lowered my head.


"I'm sorry, Ma," I almost whispered. Nangingilid na rin ang mga luha ko.


When You Smile (Engineering Student #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon