Chapter 17
Somehow, talking to King makes me calmed down... a bit. Kung sa bahay siguro ako ngayon baka umiiyak na naman ako.
"Ayos ka na?" napatingin ako kay King na ngayon ay nakahawak na sa bukas na pintuan ng kanyang front seat car, hinihintay niya akong makapasok. Lumapit ako at akmang papasok na nang may magsalita.
"Oy, King!" a group of girls called him.
Hindi ko alam kung anong naisipan ko at tumalikod ako mula sa mga grupo ng babae na tumawag sa kanya, ngayon ay nakaharap na ako sa katawan niya. I can smell his familiar manly scent. I looked away and was about to go inside his car but he held my wrist preventing me to move.
Sipain ko kaya ito? Tsansing ka ah!
"Bakit?" he playfully said.
"Sinong kasama mo?" a girl asked. Hindi pamilyar sa akin ang mga babae, marahil taga ibang school sila. Sabagay, sikat naman sila King kahit sa ibang school.
"Secret," he playfully said again. I heard some of them said 'Aww'. Ano kayo, aso?
"Girlfriend mo?" they probed. I rolled my eyes like they can it.
"Iyong nililigawan mo ba iyan? Sabi ni Thirdy may nililigawan ka raw eh. Pakilala mo naman kami."
Hindi nagsalita si King. Tumawa lang siya.
"Ay, pa-showbiz," sabi pa ng isa. Hindi ko alam bakit hindi ako gumagalaw at nakatitig lang sa kamay niyang nasa palapulsuhan ko.
"Palagi naman siyang may kasamang babae eh, kaya masanay na kayo." One of the girls joked. Sino iyon? Kakaibiganin ko!
King gasped and then he immediately covered my two ears using his hands like I heard something very wrong.
I pursed my lips hiding my smile. Huli ka!
"Tara na nga," iritado niyang sabi bago ako pinakawalan. Pumasok na ako sa loob at agad niyang sinara ito. Mga ilang segundo ang tinagal niya sa labas bago pumasok din sa loob at nag-umpisa nang mag-drive.
"Are you really now okay?" he asked again for the nth time. We are already in front of our house.
I nodded before I unbuckled the seat belt. Hindi pa nakuntento, lumabas din siya pagkalabas ko. I glared at him.
"Sige na," sabi ko at akmang papasok na nang saktong lumabas din si Mama.
Mama was startled when she saw us but managed to give us warm smile. Tumingin ako kay King pero nakatingin ito kay Mama, parang kinakabahan ulit.
"M-magandang hapon po," he stammered.
"Magandang hapon din, pasok ka, hijo," si Mama.
BINABASA MO ANG
When You Smile (Engineering Student #3)
RomantikTrust Issues. Iyan ang problema ko kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Nakita ko kung paano nasaktan si Mama at ang nagiisa kong kaibigan. Saksi ako kung paano nakasira sa isang tao ang pagmamahal. Kaya naman, tinatak ko sa isipan ko na...