Chapter Twenty

2.1K 73 3
                                    

Chapter 20


Our 3-day midterm examination will wrap up tomorrow. Katatapos ko lang mag-exam kanina sa isang General subject at isang major. May dalawa pa kaming exam bukas at puro major pa! I need to double my efforts there because my quizzes' results are not that good. Kailangan kong bumawi para manatili pa rin ako sa dean's list.


Sa gabi bago ang araw na iyon, puspusan talaga akong nagre-review. I can't afford to have a zero score again! I can't afford to lose my dean's list too. King understands that kaya atat na atat na itong matapos ang exam.


"Saan kita susunduin mamaya? Half-day lang kami eh pang-umaga lang ang exam namin ngayon."


"Sa Room EE-3B ang room namin. "


"Alright. I'll wait you there."


I nod at him before I continue walking towards our classroom but just a few he held my arm preventing me to move. My brows furrowed.


"Good luck, babe," he smiled. My face heated because of his endearment.


"G-good luck," I stammered.


He just chuckled and finally he let me go.


Since dalawang subject lang naman ang 'di pa natatapos na exam namin, hindi na ako umabot pa ng hapon. Natapos na ang exam namin sa midterm at ngayon ay paalis na ako. I must say that exam was hard but I study hard so I guess I'm fine.


Hindi nga ako nagkamali at nakita ko si King na nakahilig sa dingding ng aming classroom. Nang makita niya ako, agad siyang umayos ng tayo at agad na kinuha ang bag ko.


"Kumusta exam mo?" tanong niya. Inilagay niya sa kaliwang balikat niya ang bag ko at nag-umpisa nang maglakad.


"Ayos lang. Nag-aral naman ako. Ikaw?"


"Ayos lang din," he chuckled. "Basta pumasa."


"Papasa ka naman?" I teased.


"Oo. Ako pa. Matic tres na 'yan!" mayabang niyang sabi. Sus, feeling ko si King iyong tipo ng tao na sinasabi lang na hindi nag-aaral, 'basta makapasa ayos na', pero sa totoo nag-aaral talaga siya at gusto ng mataas din na grado.


"Trespasser ako eh," he added.


"Ano?"


"Trespasser." he shrugged.


"Tres grade ko kaya passer ako."


"Korni mo!" I shouted which made him laughed.


Umuwi kami agad pagkatapos naming kumain sa isang fastfood chain sa SM Central. Hindi ko nai-imagine si King na kumakain sa mga fastfood chain. Akala ko puro siya high-class restaurant lang. Kwento niya noong highschool daw sila nila Sam, doon siya natutong kumain sa mga fastfood chain. Noong una ayaw daw niya pero kalaunan wala siyang magawa dahil ang mga kaibigan niya ay kumakain sa Jollibee o McDo.

When You Smile (Engineering Student #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon