Chapter 11
"Oy, Casper, nasaan na si Lei ngayon?" I was busy ordering my food for lunch when someone talked to me. He's familiar to me, manliligaw ata ito ni Lei dati?
My eyes went back to my ordered food. Before I went to take a seat, I answered him.
"New York." I didn't entertain him anymore even though he wants to ask for more. I am actually irritated when someone asked about where's Lei now. I don't know if they're concern, hindi sanay na makitang hindi kami magkasama... o sadyang gusto lang nila makitsismis.
Hindi naging tago at kumalat ang balita na hiwalay na sila Lei at Thirdy. Of course Lei is kinda popular in this campus, same through as Thirdy. Mabuti na lang magba-bakasyon na nang maghiwalay sila. Hindi na masyadong pinag-usapan pa.
As much as I want to punch that asshole's face, I don't want to create another scene again. I got a warning from the student's council after I confronted Thirdy. Isa pa... para saan pa? Wala naman na si Lei.
Pero hindi ko inaasahan na uusbong na naman ang balita na hiwalay na sila. One time I heard a group of students talking about Thirdy with another girl again.
"Kita mo iyong bagong girlfriend ni Thirdy?"
"Hindi eh, taga-dito ba?"
"Hindi. Nag-aaral siya sa kabilang university. Tourism student."
I want to roll my eyes. Ano pa bang bago sa gago na iyon? Oo, inamin niya sa akin... at kay Lei na gago siya, pero ang loko, pinanindigan talaga! Ngayon, bali-balitang papalit-palit na naman siya ng girlfriend. Wala na rin akong pakialam sa kanya.
"Hindi pa ba kayo sanay kay Thirdy?" now their voices became more evident.
"Akala ko nga seryoso na siya kay Lei noon." I paused when I heard Lei's name.
"Hindi rin," the girl shrugged. Binalingan ko sila. Tatlo silang nag-uusap sa mga benches habang ako ay nasa kabilang side ng bench, nagbabasa.
"Paano mo naman nasabi?"
"Nafe-feel ko lang, pero kasi naaawa rin ako kay Lei."
"Bakit ka maaawa?"
"Kasi pinaglaruan lang siya," she innocently said. I gritted my teeth. Kumuyom ang kamao ko. Why are they still talking about this huh? Last sem pa ito ah?
"Kasalanan din naman ni girl," her friend remarked. Hindi ko na nakayanan iyong sinabi niya at agad akong tumayo at inayos ang gamit. Tumayo ako sa harap nila, halatang nagulat sa presensiya. I am glaring at them intently. Bakas sa mukha nila ang takot.
"Why don't you try to have some advance reading in some of your subjects? Hindi lang puro tsismis ang pinagkaka-abalahan niyo?" I raised my brows but I maintain my posture.
BINABASA MO ANG
When You Smile (Engineering Student #3)
RomanceTrust Issues. Iyan ang problema ko kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Nakita ko kung paano nasaktan si Mama at ang nagiisa kong kaibigan. Saksi ako kung paano nakasira sa isang tao ang pagmamahal. Kaya naman, tinatak ko sa isipan ko na...