11

2.6K 98 3
                                        


ud (⁠ ⁠╹⁠▽⁠╹⁠ ⁠) kasi medjo okay na ako ༼⁠ ⁠つ⁠ ⁠◕⁠‿⁠◕⁠ ⁠༽⁠つ

-

“Dalian mo na baka di tayo makasakay agad, labasan din ng mga kapwa student. Ayaw ko tumayo.” saad ko habang hila ang loko, naknang patola ata paboritong ulam nito eh.

“Ang higpit naman kasi ng hawak mo, how can I walk properly,” saad niya. Doon ko lang napansin napakahigpit nga hawak ko sa palapulsuhan niya.

“Edi sorry, p'wede mag sorry?” saad ko, tumawa lang ang loko. Bwisit to, pag kami nakatayo mamaya mula kapasigan hanggang magsaysay siya lulumpuhin ko.

Nakarating kami sa parahan ng jeep, sakto at may dumaan na e-jeep, hinatak ko na ang kasama ko. Parang bata na baguhan ang loko sa jeep. Lala naman nitong best customer ni mama, para talaga siyang malaking bata na iniwan ng nanay sa palengke.

Sumakto rin na yung e-jeep na sinakyan namin walang tao sa harapan, doon na kami umupo. Para di na maabala umusog, sakit din sa pwet non, kingina laking tao ng katabi ko. “Upong estudyante naman huy! Katorse lang pamasahe mo d'yan,” bulong ko, ako na nahihiya upong dalawang tao ang gago.

Paano, sakto na lang pera ko para sa pamasahe namin pabalik ng school, kung nasaan ang kotche niya. Inayos naman ni Baltazar ang upo niya, bumahing na ito.

“Antok kana?” tanong ko.

Tumango siya. “Yeah, matagal paba ang byahe? Feel mo ilan estimated,” aniya tila anumang segundo ay pipikit na ang mata nito. Apatan ang upuan doon, may dalawang babaeng estudyante ang umupo sa amin. Nakita ko pa ang paghagikhik ng babae.

Ewan ko bat parang nakaramdam ako ng inis, naknang nakalimutan ko pa magbayad, buti nakapa ko ang bulsa ko kung nasaan ang pitaka ko, nagbayad ako sa conductor ng ejeep, s'yempre ginamit ko ang estudyante card, para kahit papaano mayroon pa ako pang palamig.

Wala pa nga limang minuto, nakatulog na sa balikat ko si Baltazar, as in tulog. Ang laking tao, antukin pag nasa aircon, mga mayayaman talaga. Yung babae naman na katabi n'ya ay pa tsansing na inaantok, ampota ginagawa nito, parang grade nine palang grabe na kumarendeng.

“Ayan yung nasa bilyonaryo news diba! Ampopogi nga at talino pa!” saad nang kung sino. Di ko nalang pinansin.

Tinuon ko nalang ang pansin ko sa malaking bulto na natutulog sa balikat ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya, panlalaki talaga, yung matapang ang amoy pero sakto lang sa ilong ko. Naglibot ang mata ko, sobrang ganda talaga ng features ng lalaking to, latino ang balat, yung kilay ang kapal, yung mata niya pinaghalong almond at brown pag malayo akalain mo itim, pero pag malapitan maroon o dark brown ang kulay.

Isa pa yung ilong niya sobrang tangos, dyan ako naiinggit haha. Wala rin ka pimples o pores na open ang mukha niya isama pa yung labi nya. At dahil sa kuryosidad, pasimple ko ‘yon hinawakan para makumpirma ang hinuha ko, malambot nga….  mabuti nga at di nagising.

Ang babae naman na katabi nya ay natulog na tuluyan sa balikat ni Baltazar, naknang feeling close ang ate, sinamaan ko naman ng tingin ang katabi nitong babae, parang pahiwatig na alisin ang pagkakahiga ng kaklase niya sa balikat ni Baltazar, nakaramdam naman, dahan-dahan nilipat nito sa kanya ang ulo ng kaklase.

Ayan tama ‘yan, baka magising ang mokong na ‘to, para ba naman bata na wala sa sarili, kung umasta. Wala naman din talaga siya alam sa mga ‘to.

“Bes, babaan na tayo, inuuna mo pagiging maharot, mag-jowa ata,” bulong ng kaklase niya sa tulog na kaibigan.

“Anu bayan inaantok pa ako eh, ang bango ng kuya…. sayang,” saad ng kaibigan kakagising lang, ewan ko kung tulog o tulog-tulugan. Ampota. Bumaba na ang dalawa, lumuwag na rin sa pwesto namin. Wala na ang mga paepal.

Batchelor Series #1: The ArchitectureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon