Nakakalito
Wala pang bukang liwayway ay gising na ang diwa ko. Sinipat ko bintana kung saan tanaw ko mula rito ang sasakyan ni Jane. Hindi nga siya umuwi kagabi at hindi na ako magtataka kung sa kwarto siya ni kiro natulog.
Magaan ang paa kong bumaba sa kusina para mag timpla nang kape. Nang makapagtimpla ay dumiretso ako sa hardin at naupo sa simentong upuan na sinadyang gawing hugis at itsurang pinutol na kahoy.
Nilanghap ko ang preskong hangin na minsa'y kaamoy katulad sa probinsya. Hinipan ko ang mainit na kape at bahagyang sisimsim nang may biglang may umupo sa kaharap kong upuan.
Magulo ang buhok gusot ang damit at mukhang kakatayo lang ng higaan pagkatapos ay pumanyik dito.
"Morning..." ani Kiro sabay sulyap sa aking kape na bahagya pang natapon dahil sa pagkagulat.
"Tss..." Iling iling ko dito habang naghahagilap ng trapo.
"Pakiabot Kiro" Tuko'y ko sa trapo sa may bandang likuran niya. Nakasilid ito sa pagitan nang dalawang paso. Naiwan ko siguro ito kahapon.
Sandali niyang lingon ang tinutukoy pagkatapos ay natuon ulit sa'kin ang atensyon. Tikom ang bibig at tila naglalaro ang isipan habang nakatunghaw sa'kin.
Tinuro ko ulit ang trapo at pinagtaasan siya ng kilay nang hindi niya ako sinunod.
"Iabot mo ikaw ang malapit" ani ko.
Suminghap siya at ipinatong ang siko sa lamesa. Tinukod niya ang siko upang gawing taga salo sa inaantok na ulo. Bakit buong gabi ba kayong naglampungan? Hindi ka pinatulog?
"Ikaw ang kumuha, ikaw ang may kailangan" tamad na sambit nito pagkatapos ay namikit.
Bwesit! Sobrang aga pa para mambwesit Kiro! Umirap ako sa kawalan at sumimsim sa kape. Kalma Fatima masyado pang maaga para mairita.
Nang mukhang hindi talaga kukunin ang pinapakuha ko ay ako na mismo ang tumayo para kunin iyon.
Dumaan ako sa gilid ni Kiro at dadamputin ko na sana ngunit nagulat ako nang sa isang iglap ay nasa kandungan na ako ni Kiro.
Naunang nanindig ang balahibo ko kesa sa pagkagulat nang maramdaman ko ang mumunting hinginga neto sa aking leeg.
"Bitaw kiro! Bumitaw ka..." Madiin kong sambit dito habang nagbabadyang pumiglas.
Gumalaw ang tasa nang matabig ko ang sementong lamesa at mas lalo pa akong nag naglikot nang malamyos na dumaosdus ang kamay ni Kiro sa aking hita.
"Putang... Baka makita tayo ni Jane, Kiro!" Hinampas ko ang kamay neto sa aking hita.
"Masyado pang maaga Fatima" Bulong neto sa tenga ko.
"Oo! Masyado pang maaga para mairita Kiro kaya bumitaw ka o itatapon ko sayo itong kape?!" Nanindig ang palahibo ko nang humalakhak siya sa leeg ko sabay pakawala sakin.
Inayos ko ang nagusot kong damit habang siya'y tamad na nakatanaw sa'kin.
" Sinabi ko na sayo ito noon Kiro, hinding hindi mo na ako makukuha siguro'y ngayon nakakulong kami sa puder mo, pero ang sarili ko? Hinding hindi na magiging sayo. Hindi nako bayaran!" Mahina ngunit may panindigan kong sabi kay Kiro.
Halos umirap ako sa kawalan nang makita kong tumaas ang gilid ng labi niya. Hindi naman ito ang madalas kong nakikita kapag sinisinghalan ko siya ng mga salita.
"Ganun? Sige." Ani Kiro bago ako tumalikod at pumasok para dumiretso sa kusina. Hindi parin malawanag ang kalangitan ngunit sira na ang araw ko. Sa pala'y hindi ako nagising ng maaga.

BINABASA MO ANG
Sex Lang Ang Habol Niya
Romance"Ikakamatay ko ang pagmamahal ko sayo" - Fatima "Napakababa mo pero bakit hindi kita maabot?" - Kiro Paano ang pag-big na tatoo kung nabuo ito sa kataksilan at kasakitan ng nakaraan? "Sex lang ang habol ko sayo Fatima" -Kiro "Kung hanggang ngayon s...