CHAPTER 6

4.6K 61 0
                                    

Hindi kayo aalis

Lumabas ako nang kwarto ni Kiro ni halos wala pa sa hulog ang sarili. Hindi ko pa nakakapa ang aking emosyon nang nakita ko siyang nakatayo sa bintana.

Lalapitan ko sana ito para magtanong nang makita kong naka tapat ang cellphone niya sa tenga.

"Oo Jane uuwian kita jan... Ha? Hindi sa ganun... Alam mo namang ginagamit ko lang itong mag ina para maisa pangalan na sakin ang ari-arian ni Ama...uhmm i miss you anong ginagawa mo?"

Natigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig. Ginagamit? Anong ginagamit? Naguguluhan tanong sa isipan.

Ilan pang sandali nang mapagtanto ko ang lahat nang pangyayari, Ginagamit? Ginagamit nya lang kami? Dumaan ang sakit sa aking dibdib.

Ah sa ganun pala ang kailangan niya? Kaya nga ba kami kinuha at ginulo sa probinsya? Napaka walanghiya niya talaga. Hindi ako nagsisisi na lumayo kami sa kanya. Mas masahol pa siya sa demonyo!

Marahan ang paa akong humakbang palayo sa kanya. Hinanap nang mata ko ang aking anak sa kwarto ngunit hindi ko na ito natagpuan.

Napa buga ako nang malalim na hininga nang matagpuan ko ito sa sala. Nagkukulay na naman ito sa kanyang papel ilang araw niya na itong ginagawa ngunit parehas sa mga nauna lang din naman ang kanyang ginagawa 'isang litrato nang masayang pamilya'

Nilapitan ko ito at hinalikan sa noo. Sinuklay ko ang mahaba nitong buhok pagkatapos ay kinapa ang likod kung basa sa pawis.

Hindi niya ako nililingon patuloy parin siya sa ginagawa sa kanyang papel. Maya maya lang ay tumayo ito at walang sabing niyakap ako.

"Mama mahal ba tayo ni daddy?" Ani Kira sa akin pinagmasdan ko ang mata niyang naglilikot sa aking mukha. Ngumiti ako pagkatapos ay sinikop sa tenga ang buhok niyang nagkalat sa mukha.

"Oo naman anak mahal at mahalaga ka sa D-daddy mo" sambit ko dito habang kinakandong siya sa kandungan ko.

"Eh bakit hindi nya ako kinarga noong baby pa ako? Yung baby nga nila aling Charmaine kinakarga nang papa niya." Nagtatampong sabi nito.

Sa malayong dahilan medyo natawa pa ako sa tanong nito.

"May trabaho kase ang daddy mo kaya di ka nya nakarga nang bata kapa" Pagpapalusot ko dito.

"Matagal ba ang trabaho niya kaya ngayon ko lang siya nakita?" Yumuko ito pagkatapos nilaro ang daliri.

Tinabig ko ang braso nang sana para makahilig siya sa akin.

"Oo sobrang tagal... Matagal na matagal at sobrang importante kaya ngayon lang kayo nagkita anak" makahulagang sambit ko aa anak.

Humarap siya sa akin pagkatapos ngumiti nang pagkatamis tamis at ang matay kuminang dahil sa tuwa.

"Mabuti naman natapos na ang trabaho ni daddy pwedeng pwede ko na siyang makasama kahit kailan kapag bumalik narin tayo dun sa bahay hindi na ako aasarin nila Bebang na wala akong papa" Ani Kira

Napakunot noo ako sa narinig. Inaasar? Sa halos araw araw na pag titinda ko nang tinapa hindi ko na nababalitaan ang ganitong eksena.

"Inaasaar ka nila? Anak?" Taas kilay kong tanong dito. Tumango ito at ngumuso.

"Opo mama sabi nila wala daw akong papa" Na ngunguso nitong turan sa akin.

"Ang mga batang iyon mana sa kanilang ina mga chismosa at walang ambag sa sarili"Naiiling kong sinabi. Niyakap ko ang anak at hinalikan ang kanyang noo.

Sa kalagitnaan nang pag lalambing nang anak ay napalingon ako sa malayong hagdan mula rito sa sala at dun naabutan kong naka masid saamin si Kiro.

Ang malamig nitong mata ay dumapo sa aking braso na nakayapos sa anak. Oh ano tapos naba silang mag usap nang mahal niya? At bakit ganyan siya makatingin? anong mali?

Sex Lang Ang Habol Niya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon