CHAPTER 7

4.4K 74 1
                                    

Nanghihina at nalulungkot

Naging maayos ang araw na nag daan saamin ni Kiro sa bahay. Simula noong araw na kinumpronta ko siya patungkol kay Kira.

Pinagmasdan ko ang bagong biling manika ni Kiro sa anak. Pasalubong niya ito pagkagaling sa trabaho. Masayang masaya naman parati ang ang anak ko dahil sa regalong natatanggap e' kahit nagkukulong ito sa bahay ay parang ayos lang.

Isang lagitik sa puso ko nang dumaan sa isipan ang dahilan, siguro'y... Wala nang siguro' talagang hindi niya ipapakita ang anak sa madla ang rason ay alam kong ikinahihiya niya ang anak. Magkaroon nang anak sa isang bayaran!

Patagal ko nang pinatay sa isipan ko ang ganitong sinaryo nang buhay ko pero ngayong naandito kami sa puder ni Kiro ay hindi ko maiiwasang mapaisip kong gaano akong kababang babae para sa kanya.

Wala naman na akong pakialam sa iniisip niya ang importante nalang sa akin ay kung paano ko palalakihin ang anak khng sakaling itapon muli kami ni Kiro sa putik.

Nalulungkot ako di para sa sarili ko nalulungkot ako para sa anak na naniniwalang ang lahat na nangyayari sa paligid niya ay totoo. Ang napaka walanghiya niyang Ama! Kinasusuklaman ko siya!

Napatitig ako aa kawalan nang muling isipin kong hanggang kailan ang pakikipag plastikan ko kay Kiro rito.

'Hindi kayo aalis' ayan yung salitang halos ika puyat ko na nang ilang gabi dahil hindi ko talaga maintindihan.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano niya. Sobrang gulo na nang isipan ko dumagdag pa siya. Para akong bumalik sa umpisa simula noong nagbubuntis palang ako kay Kira ang pinagkaiba nga lang ngayon may iniingatan na akong anak na ayaw kong mawalay sa akin.

"Hanggang kailan Kiro?... Hanggang kailan kami mag titiis sa huwad na pakikitungo mo?" Taas noo kong tanong dito nang sandaling mawalay ang anak sa bisig niya.

Hindi siya sumagot bagkus ay itikom niya lang ang bibig pagkatapos ay malamig na tumitig saakin. Kahit kailan talaga hindi siya naging malumanay sa akin lagi siyang marahas at walang pakialam kung nakakasakit naba nang damdamin.

"Hindi ko na kayang magtiis pa nang panibagong buwan Kiro... Kung ano man yang kailangan mo saamin pwedeng iproseso mo nang mabilis?" Ang huling sinambit ko ay hindi tanong, isa iyong pag uutos.

"Pag natapos nito sana naman tumupad ka sa usapan gustong gusto ko nang makawala sa puder mo kahit hindi mo ako hawak ay parang nasasakal ako" Pagpapatuloy ko sa sinasabi habang siya'y nakatitig lang saakin.

Tss walang kwenta. Kahit may bahid ako nang takot ay hindi naman na ako muling mag papadaig at magiging sunod sunuran sa lahat nang gusto niya.

"Daddy nahanap ko na yung bola!" Napakurap kurap ako nang biglang dumating si Kira na hawak na nga ang bola niyang nawawala.

Natuon muli ang atensyon ko sa mga laruang nakakalat sa sahig. Nilapitan ko ito at napag diskitahang ligpitin. Sa sobrang dami nito ay halos hindi na magkasya sa basket ang iba'y nalaglag pa nang itulak ko ito isang gilid.

Yumuko ako upang damputin muli ang mga laruang nalaglag. Naiangat ko ang ulo nang isang 'tss ang narinig ko sa pwesto nila kira. Nangunot ang noo ko nang makita kong titig na titig sa akin si Kiro ngunit ang pagtataka ay napalitan din nang pagkagulat at inis nang mapagtanto kong ang dibdib ko pala ang sinisilip niya.

Agaran ang pagtayo ko nang matuwid at pagtingin sa kanya nang masama. "Manyakis, bastos, marumi ang utak at bwesit sa buhay ko!" Sa isip ko ay halos patayin ko na siya.

Inirapan ko ito pagkatapos ay tinalikuran na. Narinig ko pa ang mumunting halakhak nito nang papalayo ako sa kanilang mag ama. Medyo natigil pa ang mundo ko dahil sa narinig. Ito ang unang beses na narinig ko siyang tumawa.

Sex Lang Ang Habol Niya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon