CHAPTER 9

4.4K 81 3
                                    

Warning: medjo may halo ito!

***

Papatayin ko yun

Alas otso ng umaga ng magising ako dahil sa isang malakas na kalabog hindi kalayuan sa aking pinagkakalagyan.

Napabalikwas ako ng bangon at agad tinungo ang pinanggalingan ng tunog. Hindi pa ako nakakalapit ay agad nang nahagilap ng mata ko ang anak na tumatangis papunta sa akin.

Yumakap ito sa aking baywang at hinahabol ang hikbi dahil sa matinding pag iyak. Nangunot ang noo sa pagtataka at agad akong lumuhod para magkapantay kami.

"Anong nangyari Kira at bakit sa umiiyak?" Agarang tanong ko rito habang sinusubukang tignan ang siko at tuhod kung may sugat.

"Mama.." Hindj mapintang sambit neto habang patuloy na hinahabol ang pag hikbi. Nagkasalubong ang kilay ko, kung may sugat ito dahil sa pagkakadapa ay agad netong ilalahad sakin ngunit iba ata ngayon tila takot na takot.

"Anong nangyari? Nadapa kaba? San ang sugat Kira?" Pinipigilan ko ang sarili na mataranta. Ito ang unang beses na makita kong ganto umiyak si Kira.

"KIRA!" Isang sigaw ang nag patigil sa akin at pag yakap ng anak sa leeg ko. Itinago neto ang buong katawan sa akin tila ba ay isang nakakatakot ang tumawag sa kanya.

Nilingon ko si Jane na nasa dulo ng hagdan. Dali neto ang isang pamatpat at unang tingin pa lang ay alam ko na ang kanya sanang gagawin.

Parang isang mainit at kumukulong tubig ang pagtaas nang aking dugo. Sinabai ko sa inyo Jane sinabi ko na kay Kiro hindi ba nakarating sayo?

Agad kong sinukop ang anak at dinala sa kwarto. Nilapag ko ito sa kama at mabilis na pinagsabihang wag lalabas.

Mahinahon kong sinarado ang pinto at nangagalaiting binalikan si Jane sa hagdan. Nagpupuyos ako sa galit lalo't kakagising ko lang pagkatapos ito pa ang bubungad sa akin.

Nagulat si Jane ng makita akong malalaki ang hakbang papunta sa kanya. Tila prenteng nakahilig ito sa hagdan habang hawak ang pamatpat at ang kanyang mamahaling cellphone.

Nakita ko ang takot sa kanyang mukha ngunit agad din naman itong napalitan ng ngisi tila ba ay maayos ang lahat. Nang makalapit na ako sa kanya ay napatuwid ito ng tayo.

"Morning" Nakakairitang sambit neto pagkatapos ay pinaglaruan ang hawak saa pamatpat.

Tinignan ko kung paano nilaro ng kamay niya ang pamatpat napatiim bagang ako at binalik ang tingin sa kanya na ngayo'y nakangisi na.

"Well yung anak--" Inagaw ng kamay ko ang pamatpat sa kanya pagkatapos ay walang pag aalinlangan ko itong hinampas sa mukha niya.

Sa buong buhay ko ay hindi ko pa ito nagagawa ngayon palang, ngayon palang ako mag uumpisa kase sinimulan nila.

Agad napadaing si Jane sa aking ginawa tumuli ito sa sakit na nadama. Pinisil ko ang magkabilang pinge neto gamit ang kaliwang kamay habang ang isa'y hawak ang pamatpat na nakatutok sa mukha niya.

Napahawak ito sa kamay ko at pinipigilan ako sa kahit na ano pa mang maaring mangyari.

"Ang tigas ng mukha mo Jane, Wala kang karapatan na saktan ang anak ko, hayop ka! Sinabi ko na ito noon pa man, sinabi ko ito kay Kiro hindi ba nakarating sayo! Sa susunod na pagtangkaan mong saktan ang anak..." Inilapit ko sa kanya ang hawak na pamatpat "...hindi lang yan ang aabutin mo"

Nagmamadaling paa ni Kiro ang natanaw ko matapos kong bitawan ang tumatangis na si Jane. Agad dumalo si Kiro sa kanya na nag aalala sa nakitang bakat ng kahoy sa mukha.

Sex Lang Ang Habol Niya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon