Maaga akong nagising dahil namamahay ang diwa ko. Halos hindi ata ako nakatulig dahil hindi sanay sa bagong paligid na ginagalawan ko.
Sinulyapan ko ang katabi kong patay pa dahil sa himbing ng tulog. Nagtungo ako sa CR para makapag ayos ng sarili at pagkatapos ay nag marsta sa kwarto ng anak para sulyapan ang tulog nito.
Binuksan ko ang mga bintana pagkatapos ay dumiretso sa kusina para magluto ng agahan.
Maya-maya lang ay narinig ko na ang pag bukas sara ng pinto, nilingon ko ang bagong gising na si Kiro, magulo ang buhok at tila nawawala pa sa wisyo.
Nilibot nito ang paningin sa paligid pagkatapos ay huminto rin saakin, isang mabilis na pasada ang ginawa niya sa buong katawan ko bago pumasok sa kwarto ng anak.
Napataas ang dalawang kilay ko sa pagtataka.
Naglalatag ako ng plato sa mesa ng lumabas ang dalawa sa kwarto, nagtungo na ito sa hapag at nagsimula na kaminv mag umagahan na parang ordinaryong araw lang ng buhay namin.
Umalis si Kiro ng matapos magtanghali, ang sabi'y may aasikasuhin daw siya.
"Dadagdagan ko ba ang lulutuin ko mamaya? Sabihin mo kung dito ka ulit maghahapunan" Dinungaw ko ito sa likod ko habang naghuhugas ako ng pinggan.
"Hindi na" anito pagkatapos ay nagtungo sa anak, kinausap niya ang si Kira n puro tango lang din naman ang sagot.
Pinagpatuloy ko ang paghuhugas ng pinggan.
"Alis na'ko" tawag pansin nito saakin, nang nilingon ko ay nasa pinto na siya at balak ng umalis.
Tinanguan ko lamang ito pagkatapos ay muling pinagpatuloy ang ginagawa. Narinig kong nagbukas sara ang pinto at tunog kasabay nun ay ang tunog ng kandado.
Hinintay ko muna ang ilang minuto bago nag martsa sa pinto, inikot ang tukador at tama nga ang hinala ko na kinandado ito.
Napabuntong hininga, paano niya naaatim na gawin samin ito?
Tinapos ko ang gawaing bahay tulad ng pangkaraniwang araw sa mansyon ni Kiro.
Mabilis ang ikot ng oras nagluto ako ng pinakbet ng magtanghalian.
Inasikaso ko ang anak at nilibang ito sa pamamagitan ng pag kwento ng mga walang katotohanang bagay.
"Pagkatapos ano ng nangyari sa hari ma?" Napaupo ito galing sa pagkakahiga sa sofa.
"Nawala ang reyna niya hinanap nila ito ngunit hindi na natagpuan pa" Walang pakundangan kong saad sa anak.
"Lumipas ang ilang taon nahanap nila ito ngunit sa ang hindi nila alam ay kawangis lang ito ng mahal nilang reyna..."
"Tapos?" Inis na tanong nito ng muli kong tinigil ang kwento.
Tumitig ako sa mukha nitong kay Kiro nakuha, labis akong nagdaramdam sa tuwing napapansin ko ito sa anak.
"Ma..." Kulbit nito sa pinge ko na kinatawa ko naman.
Hinuli ko ang kamay niyong kumukulbit sa aking mukha. Muli kong pinagkatitigan ang wangis nito.
"Mama" anito tila nagugulahan at naiinis dahil hindi na nasundan ang kwento.
"Kira" seryosong sambit ko dito na kinatahimik niya.
"Kung sakaling mag mawala si mama maghahanap kaba ng iba mong mama?" Tanong ko rito habang hinahaplos ang kamay.
"Hindi po ako maghahanap ikaw lang ang mama ko kasi galing ako sa tiyan mo...diba mama galing ako sa tiyan?" Sambit nito na tila alam ang buong pangyayari sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Sex Lang Ang Habol Niya
Romance"Ikakamatay ko ang pagmamahal ko sayo" - Fatima "Napakababa mo pero bakit hindi kita maabot?" - Kiro Paano ang pag-big na tatoo kung nabuo ito sa kataksilan at kasakitan ng nakaraan? "Sex lang ang habol ko sayo Fatima" -Kiro "Kung hanggang ngayon s...