Nakakapagtaka
Mag iisang linggo na simula nang may nangyari samin ni Kiro at mag iisang linggo narin siyang hindi nag papakita samin mag mag ina.
Wala naman akong pakialam kahit hindi na siya umuwi dito mas mabuti nga iyon nang hindi nagagambala ang araw namin ni Kira.
Magiisang linggo na ang nakakalipas habang wala siya dito ay hindi ko maiwasang isipin na tumakas na lamang. Ngunit alam kong malabo pa sa maruming tubig ang pagkakataon para makatakas sa pamamahay na ito.
Sa bulwagan pa lang makikita mo na ang apat na nagbabantay ganun din sa tarangkahan. Isang himala siguro kung makakatakas man kami dito nang anak ko.
Tinanaw ko ang mataas na pader na nakapalibot sa buong bahay, kung aakyatin ko ito ay mahihirap ako lalo na't kasama ko si Kira.
Inalam ko rin ang mga cctv camera na nagkalat sa buong bahay pati narin ang kung paano patayin ito kung sakali man na matuloy ang plano ko e' alam ko kung saang direksyon ako dadaan para iwasan ito.
Uminom ako nang maraming tubig nang mailunok ko na ang piles ko. Mag iisang linggo narin simula noong nakita ko ito sa damitan ko. Hindi naman na ako nag atubiling gamitin ito dahil alam ko namang si Kiro ang naglagay nito dun. Mabuti naman naisipan niyang bumuli bago umalis kahiya hiya naman kay nanay kung magpapabili pa ako sa kanya nang ganito. Kung pwede lang sana akong lumabas.
"Mama pahingi din ako candy" Hinihila ni Kira ang pambahay kong bestida sabay lahad nang kamay saakin.
"Anak hindi ito candy gamot ito ni mama" sambit ko dito para matigil na.
"Ha? Bakit mama may sakiit ka po ba?" Inosenteng tanong nya saakin habang dinadama ang balat ko para tignan kung maiinit ba ito.
Napangiti ako sa naging reaksyon niya. Sa kunot na noo nito ay makikita mo ang halos hawig na mukha ni Kiro ngunit inosente nga lang ang sa anak ko kay Kiro ay hindi. Lumuhod ako sa harap nya para mag kapantay ang paningin namin.
"Hindi Kira gamot ito para sa mga mama" Marahan kong paliwang dito habang inaayos ang mga nagkalat na buhok sa mukha.
Noong nabuntis ako napakalaking takot ang naramdaman ko, bukod kase sa wala pa ako sa tamang edad ay natatakot din akong baka nagkamali ako sa pagpapalaki kay Kira.
Ngunit hindi naman ako nabigo sa nakikita ko sa anak na magalang at mabait na anak alam kong lalaking mabuting tao ito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano na lang ang mangyayari sa anak ko kung kay Kiro na malupit ito namalagi.
"Ahh para sa mga mama lang po yan ma bawal sa bata?" Patungo tango na tanong nang anak ko.
"Oo, bakit Kira gusto mo ba nang candy? Sasabihin ko kay nanay kung gusto mo"
"Hindi na po mama sinabi ko na kay daddy" Nagulat ako sa sinabi nang anak.
"Sinabi mo yun sa kanya?" Matamang tanong ko dito at tumango lamang siya pagkatapos nagtata-takbo na sa kung saan.
Pinagmamasdan ko ang anak habang naglilikot, nangunot ang noo ko habang nag iisip kung hanggang saan ang napag usapan nila noon habang natutulog ako.
"Mama mag swimming tayo!" Maligayang sigaw nang anak ko.
"Sige pero kakain muna tayo nang tanghalian ah" sambit ko kay Kira tumango lamang ito.
Dumiretso kami sa kusina at naabutan naming nag lalatag na nang pinggan si nanay Marites sa lamesa. Dali dali naman akong tumulong sa paghahanda nang ulam.
Tinolang manok at nilagang itlog ang hinain ni manang para sa tanghalian. Ako mismo ang nag sabi sa kanya na wag nang masyadong magastos mag hain nang pagkain tutal wala naman dito si Kiro at kami kami lang din naman nang mga katulong at taga bantay ang kakain.
BINABASA MO ANG
Sex Lang Ang Habol Niya
Romans"Ikakamatay ko ang pagmamahal ko sayo" - Fatima "Napakababa mo pero bakit hindi kita maabot?" - Kiro Paano ang pag-big na tatoo kung nabuo ito sa kataksilan at kasakitan ng nakaraan? "Sex lang ang habol ko sayo Fatima" -Kiro "Kung hanggang ngayon s...