Chapter 7:
Early in the morning nagmamadali akong pumunta sa office, Dwayne called for an emergency meeting."Good morning architect!" Sigaw nanaman ni Calla at bumeso sakin.
"Good morning engineer, hindi pa start?" Ani ko at umupo na.
"Magstart na,paparating na si engineer." She was referring to Dwayne.
3 minutes ay dumating na si Dwayne, to my horror kasama nya si Kelsey.
He stood firmly and looked at us seriously. "Everyone, This is Engineer Kelsey Marshana she will be in charge for this project."
"Nice to meet you all." Kelsey greeted with a smile.
Nagbulungan ang ibang nasa conference room at ngumiti kay Kelsey.
"Let's start." Anunsyo ni Dwayne
Magkatabi sila ni Kelsey sa dulo ng conference room. A wife and a husband view indeed.We spent an hour before the meeting adjourned.Tumayo na kami at nagkamayan.
"Grabe, this project is going to be so amazing i'm sure of that!" Tawa ni Nico.
Tumawa rin ako. "Ang gagaling ng engineer eh."
"Hindi rin, maganda rin ang architect eh." Pagbibiro pa ni engineer mateo.
Nagtawanan kami.
"Sonya are you pregnant?" Malakas na tanong ni Calla!
Agad humarap sakin ang mga tao, nakita ko kung pano natigil ang usapan nila Dwayne at Kelsey pati na rin ng mga engineer, lahat sila ay napatingin sakin.
"Oh, grabe namang atensyon yan!" Calla giggled. "I just noticed kasi, your tummy isn't flat anymore." Nakangusong ani ni Calla.
Pinasadahan ako ng tingin ni Dwayne at tinignan ang tummy part ko. Agad akong tumalikod sa side nya at natatawa kunyaring hinarap sila kyla.
"Grabe lang siguro ako kumain, hindi ko mapigilan."
"Sabagay! Pero you should exercise! Sayang ang sexy mo non."
I nodded and smiled.I gathered my things and quickly stormed out the conference room, don lang ako nakahinga ng maluwag ng makalabas ako.I should wear something very loose from now on, kinabahan nanaman ako ng maisip ang nangyari kanina.Nagpunta ako ng cr para umihi, I flush the toilet and went out.
"Hi architect."
Natitigilan akong tumingin kay Kelsey ng makita ko syang naghuhugas kamay.
"H-hello engineer.." alinlangan kong bati at tahimik na pumunta sa sink para maghugas ng kamay.
"Matagal ka na ba dito?" Kelsey suddenly asked."Almost 2 years.."
"Hmm." Kumuha sya ng tissue. "That's why you're so close with Dwayne."
"H-hindi kami sobrang close."
"Really? I don't think so though, I just saw you left his condo."
Napatitig ako sa kamay kong hinuhugasan ko.She saw me?
"You know Sonya, I can see that your very pretty but you're nothing compared to me."
Pormal ko syang hinarap. "What are you trying to say?"
She laughed na obvious namang plastik. "I'm saying here is leave my fiàncee alone."
Napatitig ako sakanya.
"Hindi mo naman siguro pangarap maging kabit? Oh that's so nakakahiya." Tinapos nya ang pagpupunas nya bago ako seryosong tinignan. "Leave him alone Sonya." Then she stormed outthe comfort room.
Napasandal ako sa sink at napahawak sa noo ko.Hindi ko kailangan man gustong maging mistress, hindi ko naman alam na may fiàncee sya! And obviously magiging parang kabit nga ako lalo na't dala ko ang anak ni Dwayne.Lumabas ako ng cr at bigla akong nakaramdam ng hindi mapaliwanag na hilo.
"Careful.."
Napatingin ako sa humawak ng braso ko. Dwayne.
"Ayos na." Ani ko at hinawi sya."Hindi ka mukhang okay, come.." hindi ako nakapalag ng hilahin nya ko papasok ng office nya.
Pinaupo nya ko sa swivel chair na sya dapat ang umuupo at lumuhod sa harapan.
"Feeling okay?" Malambing nyang bulong.Hinilot ko ang sentido ko at sumandal sa swivel chair nya..
"Headache lang, i'm fine."
Hinawakan nya rin ang sentido ko at bahagyang hinilot iyon. "It's normal right?" Bulong nya.
Tumango ako. "Lahat ng tao nagkakahead ache."
Kinagat nya ang labi nya at kunot noong hinilot ang sentido ko.Ayokong mang sumama sakanya, sobra talaga akong mahihilo at totoong nawala iyon sa hilot nya.
"Do you feel like vomitting? Or sleepy?"
Nagulat ako sa tanong nya kaya napaayos ako ng upo. "What? Nahihilo lang ako dahil sa puyat.""Bakit ka nagpupuyat?"
"Work."
He touch my belly part. "I hope you're okay"
Napatayo ako don sa gulat at sa matinding kabog ng dibdib. "I need to go, thankyou." At nagmamadaling umalis.
Fuck. Alam nya ba? Impossible! Kung alam nya diba dapat sinabi nya? Tska pano nya malalaman?! Damn it.
..........................................Follow and Support and also Vote For my story Thankyousomuch!
BINABASA MO ANG
Pregnant with Benefits
Misteri / Thriller"Positive.." Naiiyak na bulong ko sa sarili ko matapos makita ang pregnancy result ko. Napasandal ako sa pintuan ng bathroom at napaiyak. No, this can't be. This is just a dream. No.. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko ng kumatok sya at sunod noon an...