CHAPTER 11

391 13 2
                                    

Chapter 11:

Sonya POV

My pregnancy was getting harder and harder, hindi na ko tuwing umaga nagsusuka, madalas sa tanghali o minsan sa gabi. Palagi akong pagod at palaging gustong matulog, lumalaki ang tyan ko kahit na dalawang buwan palang ito. Sobra sobra rin akong emosyonal ngunit madalas kung pigilan, maski ang stress ay pinipigilan ko para sa bata.

"Sonya, wag ka nalang kayang pumasok? My god baka maistress ka lang eh." Iling ni Jazel.

I'm thankful for her, dito sya tumira sa condo ko at hindi nya ko pinapayagan gumalaw ng gumalaw, sometimes I got so emotional seeing her genuine care for us.

"Hindi pwedeng hindi ko tapusin ang project Jazel, nasa kontrata yon, baka gusto mong mademanda ako?" Natatawang biro ko ngunit hindi bumenta sakanya.

Umiling sya. "Edi bayaran mo nalang ang kontrata kesa mapahamak ka! At tska hindi pa nga natin nalalaman kung sino yung gagong tumulak sayo!"

Napabuntong hininga ako, gusto ko mang icheck ang cctv ng parking natatakot naman akong malaman ni Dwayne.

Dwayne...

Umiling ako at pilit pinigilan ang emosyonal kung nararamdaman.

"Good morning architect!" Bati ni Charlotte kaya ngumiti ako sakanya.

Umupo ako sa table ko at sinumulang gawin ang trabaho ko sa laptop.

"Grabe ang big deal ng first pregnancy ni ma'am Kelsey at first baby ni engineer no?" Rinig kong bulungan ng team ko.

Hindi nya yun first baby..

Nanikip ang dibdib ko at nawala ako sa focus, gusto ko mang takpan ang tenga ko ay hindi naman pwede.

"Kaya nga, nasa magazine at radio pa."

"Syempre no! Big deal talaga yon first baby ni sir Dwayne eh."

Nangilid ang luha ko at nakaramdam nanaman ng frustration, alam nyo ba yung pakiramdam na niloko? Kahit walang kami ganon ang nararamdaman ko, ilang beses ng may nangyari samin pero may fiàncee pala sya at nabuntis nya pa. Alam nyo rin ba yung feeling na gusto kong magalit at magwala kaso hindi ka mahanap ng tamang dahilan? Dahil wala ka namang karapatan.

Sumandal ako sa swivel chair ko at hinilot ang sentido,pag angat na pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang pagpasok ni Dwayne at Kelsey.

Kelsey's ash grey hair was now curled and in high ponytail, she's wearing a very fitted dress that's why her small baby bump is showing. Idagdag mo pa ang nakasuit at gwapong gwapong si Dwayne na nakaalalay sakanya papasok.

Nagkatinginan kami ni Dwayne kaya agad kong binaba ang tingin ko kahit rinig ko ang pagbati sakanila ng team ko.

Bitterness flow over me. Hindi ko ba pwedeng maranasan yan?

Kinatanghalian ay meron kaming lunch meeting para magreport ng progress ng project.

Umupo kaming lahat sa conference room kasabay ng pagpasok ni Dwayne, nakahawak sa braso nya si Kelsey.

"Shanel, please get her something to eat.." Ani ni lance sa sekretarya nya at nagbaba ng tingin kay Kelsey. "What do you want?" Bulong nya kay Kelsey.

Iniwas ko ang tingin ko sakanila at nakipagngitian nalang sa mga engineer.

In the middle of reporting hindi ako mapakali sa upuan ko, I feel so dizzy and I want to vomit. Naglilikot ako sa upuan ko dahil sa hindi mapaliwanag na pakiramdam at nagdasal na sana wag ngayon.

"Are you alright?" Engineer Matthew whispered and leaned over me.

I nodded. "Nahihilo ako."

Nagulat sya. Maski na rin ako! Stupid Sonya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pregnant with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon