AMU POV
" hays.. Kamusta na kaya silang lahat? " - sambit ko.
dahil sa nangyari andito lang ako ngayon sa kwarto ko, sa tapat ng bintana nag e-emote.
"Hindi naman siguro sila galit sakin noh? lalo na si jath... *sigh* napahamak sya dahil sakin. " - sabi ko nang biglang may sumagot.
"nah its impossible that they are angry" - sabi nang sumagot.
napabalikwas ako sa gulat muntik na akong mahulog sa bintana! dahil sa nangyari dun ko rin nakita kung sino yung sumagot sa mga pinagsasabi ko pagkatingin ko sa baba ng bintana ko.
"AH! Re-" - sambit ko pero hindi ko rin natuloy dahil nagsalita sya agad. :/
"shhh!! wag ka maingay gabi na baka marinig ng pamilya mo!" - sambit ni redix. habang nagkakamot ng ulo at lumilingon lingon sa paligid. Ano to? galawang akyat bahay?
"eh alam mo naman palang gabi. soo? anong ginagawa mo rito?" - mahina kong sabi.
"Stop asking me questions! alis dyan aakyat ako." - sabi ni redix. pero ginagawa naman na nyang umakyat bago pa nya sabihin yan. andito na nga sya sa harap ko nag gigive way na nga ako para makapasok sya sa loob.
*Awkward silence*
"uhmm.. now what?" - sambit ko. ang tahimik! hindi ako sanay nang hindi maingay to. andito lang kami sa tapat nang bintana, nakatayo habang sya nagkakamot ulit nang ulo. Hindi nya siguro alam kung saan magsisimula nang sasabihin nya.
"uhhh? redix? ano na! parang tanga naman to!" - painis kong sabi sakanya.
"Ang dami dami mong alam na mura pero sasabihin mo ngayon hindi mo masabi." - pang aasar ko sakanya. nakita kong itinigil na nya yung pagkakamot sa ulo nya at tumingin sya sa mga mata ko. shocks! kailangan gwapo pag naguguluhan kung anong sasabihin? hahaha! sabay umupo sya sa bintana.
"Uunahan ko na si BitChi kaya ako pumunta rito." - sambit ni redix habang kita sa mukha nya yung inis sa hindi ko malamang dahilan. Bitchi, ayan tawag nya kay Chikara pag naiinis sya. Hays.. Redix and his mouth tsk tsk! natuwa ako nang marinig ko na uunahan nya daw si chi kaya sya pumunta rito? so pupunta rito si chi? bigla akong nalungkot konti.. nag away kasi kami. :(
"May nangyari ba redie?" - sambit ko. nagtataka rin kasi ako kung bakit nya uunahan si Chikara. umupo rin ako sa bintana katabi nya.
"Sigh.. Nasabihan ko kasi ng masasamang salita si Chi. I didn't mean it. Well, half of the words I said. I guess? Look Amu, she is mad at you without any fuc- I mean freaking reason!?" - pasigaw na sabi ni redix. Pasigaw walang duda kasi ang sakit tenga ko eh! tinakpan nya agad bibig nya nang marealize nya na ang ingay nya sabay sorry.
Galit sakin si Chi and I get it. Hindi kasi basta basta nangyari kay jath bukod pa ron. *Sigh* pansin ko may gusto ata si Chi kay Jath kaya siguro ganun na lang ang galit nya sakin. Sana talaga magbati na kami bukas.. Hindi ko naman kasi talaga sinasadya. Kung boka boka lang ni redix yung sinabi nya na uunahan nya si Chi at kung assumera lang talaga ako, Ako na mismo kakausap kay chi bukas!
"Hindi ko naman sya masisisi. Grabe naman tlga ang nangyari kay jath dahil sakin pwede nyang ikamatay yon." - mahina kong sabi. napayuko na lang ako sa lungkot habang inaalala ang nanyari nakaraan. Hindi ko maiwasang itanong sakanila ang matagal na ring gumugulo sa isip ko kaya tumingala ako para tingnan si redix nang harapan.
"Matagal ko nang gustong itanong to. Kayo ba, bukod sa chi.. Hi-hindi ba kayo nagagalit at naiinis sakin? palagi nyo na lang akong problema." - Malungkot kong sabi. Papayuko na sana ako ulit dahil feel ko maiiyak ako nang biglang hinawakan ni redix ang pisngi ko. Nakita ko yung mukha nya punong puno ng kaGwap- i mean, Pag aalala sakin. napalunok na lamang ako ang iniwas ang aking tingin. Ohh my Yato! shutanes naman nag skipbeat ang puso ko ron ah! may pa full moon pa at pang date atmosphere pa kasi si mother galaxy! Nakita nya ata yung panic reaction ko kaya ni let go nya yung pag hawak sa mukha ko.
"*Chuckle* Sus! Sanay na kaming the boys sayo amu pati sila zai. but chi? I don't freaking know why she's acting like crazy ugly bitch. bakit kaya?" - sambit ni redix habang kinakamot nya sintido nya. So cute! sana all cute ang chuckle pero, Sorry redix hindi ko sasabihin ang sa tingin kong dahilan kasi hndi pa ako sure at for The G na lang yon.
"But she said na magsosorr- ah! Kakausapin! i mean, kakausapin ka nya bukas. Siguraduhin lang nya dahil gagawin ko syang aso pag hndi kayo nag-usap. Ikaw rin magsorry ka rin!" - sambit ni redix. so ano pang dahilan nang pagtry mong hndi banggitin ang magsosorry kung mabubuking ka lang din sa huling sinabi mo. :/ haha!
"Syempre naman! kahit naman tanggap nyo ko, mali pa rin ako kaya hindi lang ako magsosorry sakanya, sainyong lahat din!" - sambit ko sakanya habang nakangiti.
Bigla kong natawa nang biglang lumaki ang mga mata nya dahil sa "Magsosorry" kong sinabi.
"uh? UH!? may sinabi ba akong Sorry? magsosorry? uh? UHH!?" - magulo nyang sambit habang napapafacepalm na lamang sya. may sasabihin pa sana ako nang biglang may nag sisit sa ibaba. lumingon ako pati si redix at nakita namin si Yohsif a-at corowa!?
"eh? an-anong ginagawa nyo rito??" - pagulat kong sabi nang biglang sumandal si redix sa shoulder ko at nagsalita.
"oh Yohsif, Corowa! hello hehe" - sambit ni redix habang nakasandal sakin. may pakaway kaway pa si loko.
"I knew it pupunta ka talaga rito. uwi na gago magagalit pa sila tito tita dyan. it looks like you already said what you need to say and I think.. Her shoulder is dying." - banggit ni Yohsif. ang isa sa mga taong kayang magmura kay redix ng chill lang at hindi masasapak.
Biglang lumingon sakin si redix. Insert song: WHY OH WHY DO I FEEL THIS WAY! choss! bakit naman kasi lumingon pa! sobrang lapit tuloy nang mukha nya! sa sobrang panic ko tinulak ko sya. muntik tuloy syang mahulog.
"Oh sh-! Kailangan manulak." sabay tingin kay Yohsif at kay corowa. "Ito na tol bababa na."
Ewan ko ba pero feel ko napatagal konti tingin ni redix kay corowa. i wonder why? tumingin lang ako kay redix habang bumababa sya nang biglang magsalita si Corowa.
"Uh. uhmm.. Hi amu. sorry I don't know what to say. Sana magbati na kayo?" - Medyo awkward nyang sabi. Why sooo Gwapo and cute! pinaglalaruan nya dulo nang tshirt nya sa hiya siguro. I don't know why I feel a little happy hearing his voice and seeing him at the same time, hindi ko alam bakit nagpapanic ako nang bigla nya akong kausapin!
"Magbabati rin ka-kayo! ah. what? wh-I mean, Kami. Sorry.. " - sabi ko habang nahihiya kasi nagkamali ako ng sinabi. Nakakahiya!! bakit ba kasi ako nagpanic!
"Haha antok lang yan amu. matulog kana okay? and please talk to chi." - sambit ni Yohsif habang inaalalayan si Redix.
"Go to sleep na amu. see you tomm!" - sabi ni redix habang nakikipagharutan kay Yohsif. Pinipilit nyang pumasan kay Yohsif habang tinutulak naman sya ni Yohsif palayo.
"Fuck off Redix! seriously!" - painis na sabi ni Yohsif habang naglalakad pauwi
"I don't want too. im tired!" - sabi ni redix habang tinatry pa rin pumasan pero tinulak na naman sya ni Yohsif kaya ang ending nakahawak na lang sya sa braso ni Yohsif. Ano kayo magjowa!?
"Like i care.." - Pagod na sabi ni Yohsif. kung si Jinzen to, Deadbols na tong si Redix. hahaha
natatawa na lang ako habang tinitignan sila papalayo. napatingin ako kay Corowa.
"See you.. :) " - sambit ni corowa sakin nang saktong magkatinginan kami. I don't know why but I feel excited para bukas ng marinig ko yung sinabi nya. hndi naman bago sa sinabi nila redix at Yohsif pero.. ay ewan ko ba!
"See you din bukas.... g-guys!" - My gosh! muntikan na ako mag SEE YOU sakanya lang! ano bang problema mo ngayon amu! kailan pa ako naging nerbyosa ng bongga?? biushfnsifna! you know what? kagaya ng kasabihan ko Pag nalilito ka sa isang bagay, wag mo nang isipin. Tama tama. itutulog ko na to!
TO BE CONTINUE~
BINABASA MO ANG
My Lovely Hellion
RomansaMaamong mukha.maganda,anime lover,mabait naman atbp... ganyang klaseng tao ako, ung Maiisip mong Layuin ng GULO..? Well Dyan kayo nagkakamali... AMU ALVERA nga pla lapitin ng Gulo kahit hndi Siga O Gangster,Nasasangkot sa Gulong hindi ko...