1

466 8 0
                                    

-
-
-
:)



"Hoy, Mia, bakit ka ba parang hinahabol ng pulis? Saan ka pupunta, huh? Hoy sagutin mo ako!"



"Shut up, Claire! Tulungan mo nalang ako, kailangan ko ng makaalis!" I snapped at her.



I continued gathering my clothes in my bag as well as my important documents. No traces of me should be left behind. I should escape as soon as possible. Or else..



Natulos ako sa kinatatayuan nang may kumatok sa pinto. Our eyes met, sabay kaming nagulat.



"Sundo mo ba iyan?" bulong niya.



Sundo? I would never..



"Huwag mong buksan, Claire. Bilis tulungan mo na ako rito, kailangan ko ng makaalis!"



She looked back at the door before helping me. "Sino ba 'yan? Alam mo napaka-misteryoso mong tao 'no? Bigla bigla ka lang magpapakita rito sa unit ko para may matutuluyan ka tapos pagkalipas ng tatlong linggo heto iiwan mo ako? Sabihin mo nga sa akin, takas ka sa preso ano?"



Inismiran ko siya. I zipped my bag tightly. Sinuot ko na ang leather jacket ko at tinali ng mahigpit ang gagamitin kong tali sa ilalim ng aking bewang. I knew this would happen kaya napaghandaan ko na.



"Mga pulis ba nandiyan? Jusko Mia hindi talaga ako mag dadalawang isip na ibigay ka sakanila kung takas ka. Wala akong pakealam kung close na tayo kahit sa maikling panahon," nakapameywang niyang turan.



I sighed, "I'm not okay? May naghahanap lang talaga sa akin at ayokong makita nila ako or else... Just shut your mouth, Claire. Don't tell them a thing about me please kahit bigyan ka pa nila ng ginto. I can give you millions of that when I come back. Naiintindihan mo ba ako?" Isinuot ko na ang strap ng bag. Nilakihan ko ng bukas ang bintana ng guest room para makatakas na ako.



Nanlaki ang mata niya at agad akong hinawakan sa braso, "H-hoy bakit ka diyan dadaan? Magpapakamatay ka ba? Puta-"



"I can manage, expert ako rito. Now go, open the door. Let them search your house and deny everything they say about me. Babalik ako rito soon. See you when I see you."



"Mia tang-"



Hindi ko na nahagilap ang sinabi niya kasi dumaosdos na ako pababa ng building. I quickly got rid of the rope pagkarating sa baba at pumasok sa taxi na bago lang binabaan ng pasahero.

She Left AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon