12

124 5 0
                                    

-
-
-
:)




We never spoke right after that talk. Five days has passed at pang-apat na araw na 'to ni David na hindi siya umuuwi rito. Boris told me though na inasikaso niya ang pagpapakulong nina Macario. He is also giving me space raw para makapag-isip-isip at siya na rin.



Nababagot ako. Ano naman ang iisipin ko aber?



Nagbihis ako dahil gusto kong mag grocery. Papasok si Boris nang makita niya akong kumuha ng cookie sa jar.



"Bihis po kayo, Miss? Saan po kayo pupunta?"



I raised my hand to signal him to wait dahil nilalamon ko pa ang pagkain. Uminom agad ako ng tubig pagkatapos.



"Sa grocery. Can you drive me there?"



"Puno naman po ang stock, Miss.. Pero kung iyan po ang gusto niyo, ihahanda ko po muna ang sasakyan."



"Boris stop with the 'po'. Pinagmumukha mo akong matanda. Hello? 25 pa ako?"



"Sorry p- Pasensiya na, Miss."



I waited for him to ready the car before we went off to the nearest grocery. He insisted on taking the cart but I told him na ako na lang at maghintay na lang siya sa akin.



Dumeretso agad ako sa meat section. I took 10 packs of bacon dahil iyon naman ngayon ang kini-crave ko. Sunod ay sa mga peanuts. Natatakam ako sa cashews.



I was going around the appliances area when I saw a familiar figure behind me. Nilapit ko ang sarili as malaking salamin na tinitingnan ko baka namamalikmata lang ako pero siya nga iyon.



Tumingin ako sa likod para kumpirmahin iyon. Damn how long was he following me?



"Nandito ka pala?" sabi ko nang makalapit ako sa kanya.



His hands were inside the pockets of his pants. Naka-black polo shirt siya, sneakers at cap na itim.



"Three reasons," maikli niyang sagot.



"Ano?"



She Left AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon