-
-
-
:)
We reached the airport and a limo fetched us. Just what David said, bukas kami bibiyahe papuntang Lucca pagkatapos namin sa korte rito sa Rome. Macario and his birds were currently imprisoned here.
Articles about it were spreading around at marami ang galit sa kanila lalo na sa reyna. They will be facing multiple charges. David told me na marami pala ang inabala nina Macario kaya ayun. I'm happy people were speaking up about the matter.
"Saan po tayo, Sir?" tanong ni Boris sa harap.
"My penthouse."
Pagkarating namin doon ay may dinner na as dining table. Nagpalit muna kami ng damit tsaka kumain. Ang tagal ko ng hindi nakapunta rito. Wala namang pinagbago. Napaka-linis pa rin.
"Vino bianco, signorina?" tanong ng isang maid.
(White wine, Miss?)
Hindi pa man ako nakasagot ay inunahan na ako ni David. "Niente vino per mia moglie. Lei è in cinta. Portale invece dell'acqua o del succo d'arancia." (No wine for my wife. She is pregnant. Bring her some water or orange juice instead.)
"Ah, si signore. Mi dispiace." (Ah, yes sir, i'm sorry.)
Tango lang ang sinagot niya tsaka umalis ang maid. The next day, maaga akong nagising dahil gusto kong makita ang pag-angat ng araw. His penthouse is in the right direction where I can see the sunrise. I put on my robe at inayos muna ang kumot sa katawan ng prinsipe tsaka tumungo sa gym niya rito.
Kita pa rin naman doon sa sala kaso mas maganda rito. Face to face ko talaga ang sinag. I have with me a cup of milk and a straw na nakita ko roon sa isang drawer. Sa gym ball lang ako umupo. I bounce a little as I sip on my drink.
Muli akong nagbalik-tanaw sa mga pinanggagawa ko sa nakaraang buwan. Mula sa pag-quit ko sa Killiod nang malaman kong buntis ako, sa tagpo namin ng reyna noong bumisita siya sa bahay namin sa Pinas at sinabi sa akin ang walang katuturang plano ni David na gawa-gawa niya lang pala, sa paglayas ko at pagtago mula kay David, at sa pagtutulak ko sa kanya palayo kahit wala naman siyang ginawa.
Aaminin ko nagi-guilty ako sa pinanggagagawa ko. Dapat sana ay kinompronta ko si David sa kalokohan niya para marinig ko ang panig niya. Dapat hindi agad ako nagpaniwala.
Pero dala na rin siguro ng panloloko niya sa akin noong hindi pa kami kasal ay kaya ko nagawa iyon. Ang hirap ibalik ang tiwala sa isang taong minsan nang sinira ito. Kaya siguro napaniwala agad ako sa pinagsasasabi ng reyna at ni Kaye dahil ilang beses nang sinira ni David ang tiwala ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
She Left Again
Romance[FIN] "How do I tell you I'm still paranoid you'd leave?" - Danilo Videl Alfonso, Prince of Lucca -- A STORY IN TAGLISH. start: 12·04·2020 end: 12·23·2020