8

132 7 0
                                    

-
-
-
:)


Bumalik na rin ako sa kwarto pagkatapos ng ilang minuto. Nang makadaong sa port ng Cebu ay sinundo ako ni Boris sa aking kwarto papunta sa sasakyan. Siya na nagdala lahat ng gamit ko. 



"Saan mo ako ihahatid, Boris?" tanong ko pagkalabas namin ng puwerto.



"Sa Mandaue po, ma'am." 



Oh.. 



Nakatulog ako sa gitna ng byahe dahil sa mahabang traffic. Papasok na kami sa subdivision nang magising ako. My jaw dropped when Boris stopped the car infront of a familiar house. 



Bungalow style. Wala pa ring pinag-bago. 



I opened the door while Boris carried my stuff. It was still quiet the same inside. Ang nagbago ay ang ilang furnitures na nadagdag at itong malaking TV. The walls are now cream colored and the kitchen got more spacious.



Tinawag ako ni Boris kaya tinigil ko na ang pagmamasid. Nagsalubong ang kilay ko dahil may inabot siyang envelope na halatang marami ang laman. 



"Pinabibigay po ni sir. Tsaka ito rin po," pinatong niya roon ang isang maliit na sobre. Nagsalubong agad ang kilay ko. 



"Hindi ko kailangan niyan. Tell him I don't need his money." Alam kong cheke ang laman ng sobreng iyon. I can guess.



Umiling siya, "Kailangan mong tanggapin, Miss. Sabi nga ni Sir and I quote, 'Para sa mag-ina ko 'yan. If she won't accept it, tell her I will pester her life again. I don't care if she will push me away.' Mawawalan din ako ng trabaho kung hindi mo po kukunin," binulong niya ang huli.



Tsk that jerk! Tumango lang ako. May mga sinabi pa siya sa akin at binigay niya ang number niya para matawagan ko siya pag may emergency tsaka siya umalis. 



Pumasok ako sa isang kwarto at doon sa table nilapag ang mga binigay ni Boris. Halatang bagong linis ang buong bahay. Pati ang kama ang bago tingnan. Dahan-dahan kong isinalampak ang katawan doon at hinatak na naman ako ng antok. 



Madilim na nang magising ako. Ang iingay ng aso sa labas! Ang lakas ng tahol nakakairita. 



Madaling araw na pala. Pumanhik ako sa banyo para maglinis ng katawan. Hindi ko pa naman napapasok dito sa kwarto ang aking mga damit kaya itong roba muna ang aking ginamit. Nakatahi pa roon ang pangalan ko, tsk.

She Left AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon