Kabanata 3

65 4 0
                                    

I don't want to lock horns with a stranger but, this is the only possible way. I gave my full address and current location. Magkahalong takot at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Sigurado na nga ba ako sa desisyon kong 'to? o pinapangunahan lang ako ng kaakuhan ko?

Walang dumating na ingay sa aking pintuan, siguro'y naiintindihan ako ni mommy na nasaktan niya ako sa ginawa niya. Dumausdos lalo ang luha sa aking pisngi at agad ko ring pinahid 'yon.

Storm clouds began to rule my extreme anger and hatred inside me.

I stand alone infront of my large oak princess vanity dresser with an oval mirror na gawa pa ito sa kamagong na kahoy.

I stopped when I saw my hairbrush, doon ko nakita ang sarili ko at sinimulang suklayan ang aking buhok and pulled my little victorian round back chair and sat down.

Nagsimula kong ayusin ang sarili ko at hindi na muling lumabas sa aking kwarto. Humaba pa ang oras at mas lalong dumilim ang paligid. I need to hurry kung 'yun lang ang lunas sa kalungkutan ay ipipikit konalang ang sakit.

I don't care anymore!

...

Alas sais y media na ng gabi at kahit anong gutom ay wala akong maramdaman. I felt empty kahit na pinipilit ko ang sarili kong lumabas sa lunggang 'to, pinapangunahan ako ng kaba at sinasakop parin ng sakit ang sagutan namin ni mommy.

I'll carry this chaos alone, all by myself.

I get my luggage and picked my luxury clothes, dresses and even my undergarments. Binilisan ko ang pag-iimpake at lumipas ang dalawa pang oras dumating ang alas nueve, naligo ako at naghanda.

I wore my cherie snake skin racer back tank top and a black silky jeans, the curve on my body was already visible. Isinuot ko rin ang itim na gwantes at bonnet ribbon upang maiwasan ang panlalamig lastly, my long Givenchy coat and a seven inches black Kodiak alma chelsea boots.

I looked elegantly beautiful and superlative fierce woman, now I'm the one who's homeless now, hindi na ang lalaking mayabang sa ilog!

"Perfect!" I complimented wholeheartedly, pinagdikit ko ang aking hintuturo't hinlalaki upang bumuo ng bilog.

I guess, this is my last resort.

I pursed my lips not to trail any single of tear but, I didn't help it.
Nilagay ko sa aking kalsunsilyo ang sinulat kong pagpapaalam kay mommy. Pinagtagpi-tagpi ko ang kumot upang doon itali ang aking maleta, naghanda rin ako dahil sa oras na'to bababa na ako at aalis.

"I need to get out from this house!" ti-next ko si RN upang sunduin niya ako sa isang parke, nagreply siya kaagad sa aking mensahe.
He didn't call me baby this time, dati rati naman niya akong tinatawag na ganon.
I shrugged my shoulder, sinulyapan ko ang balkonahe at sumilay ang maliwanag na buwan.Tumila na ang ulan.

Sinimulan kong gawin ang kanina kopa dapat ginawa, inuna kong itali ang aking maleta at dahan-dahan ko iyong binaba, hinipan ko ang sumasagabal na buhok sa aking mukha at nagpatuloy.
Itinali ko ang kumot sa aking baywang at ngumiwi, damn it!

"Okay.. go on Sandra.." I convinced to myself.Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin.

Pumikit ako ng mariin, pinilit kong hindi maglikha ng kahit anong ingay and I succeeded. Kahit sa paraan ng aking paglalakad ay marahan padin.

"Hoo! That was so close."at pinahid ang butil ng pawis sa aking noo.

Binuksan ko ng marahan ang gate, at bigla akong nakaramdam ng kaluskos ng isang bagay, nanlaki ang mata ko sa nakita at sapilitang lumundag sa aking kinatatayuan.

I Met My Lover Online:1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon