dedicated to rlyn_reoyo_calamb
My jaw dropped, paano siya lumaking ganon? Parang may mas totoong nanay pa siya kumpara sa'kin. She's too good to be true, I never witnessed her dating a guy, hindi ko rin nakikitang nagpa-party siya. And most of the time, she spent her moment by reading books.Bumuntong hininga ako sa sinabi niya, she's longing for a mom, nakikita ko 'yon sa mga mata niya.
"You're lucky if you have both, ate Sandra.."nakagat ko ang aking dila sa sinabi niya. Ayokong ibukas ang tungkol sa pamilya ko, kahit buhay silang pareho kung hindi pinapahalagahan ang binuo at sinimulang pamilya.
Malaya siyang nagmaneho at tinatahak ang daan sa mabilis na paraan. Gusto ko rin sanang kumprontahin siya gamit ang aking pagpayo ngunit nagdalawang-isip ako, paano kung ang mga tinatanong ko pala ay nasagot na niya sa isip niya. Kahit madaming katanungan sa loob-loob ko ay pinili ko nalang tumahimik.
"I didn't expect you're good at driving.." I gave her a proud smile.
"Well, sort of. Si River ang nagturo sa'kin magmaneho, ngunit hindi na 'yon mauulit.." napatigil ako at ibinaling ang mata sa daan.Lumibot ang aking mata sa kalooban ng kaniyang sasakyan.
"Yours?" nagitla ako sa sobrang gara ng panloob."Yeah, mine.."sagot niya habang pinipigilan ang pagngiti.
"He was the king of road in France,way back then.." pagtutuloy niya sa naudlot na usapan at taas-noo niya iyong sinabi. Napaisip ako roon,River got traumatized with a man, dahil sa aksidente. Mas lalong umusbong ang kuryusidad sa isip ko.Who's that man?
"M-magaling din ba siyang lumangoy?"itinaas niya ang kaniyang kilay at umiling sa tanong ko.My eyes stretched out ten-times bigger.
"He has a phobia of deep pools and oceans. He was literally weak, sa babae lang siya hindi nasisindak." napairap ako sa sinabi niya,naobsersabahan ko din 'yon maging kay Scarlet ay wala siyang pakialam, kahit pala sa'kin.Kumirot ng kaunti ang puso ko.Bakit niya sinabing nagbabad siya roon ng limang oras? Pinagtatakpan niya ba yung pagkikitil ng buhay niya?
Napalunok ako, he's really mysterious? What's his reason behind that attempt?
"Pihikan din si River sa babae, I thought you two were getting along."inilihis niya ang aking tanong.I huff in a vulnerable manner."He fooled me, Andrea. Hindi ko 'yon palalagpasin." tumango-tango siya at nag-ngising aso. Napawi 'yon nang magrehistro sa isip niyang isa rin siya sa mga kasabwat. Her expression was replaced by pity.
"I'm sorry ate. I hope you can forgive me."her rosey cheeks was already visible.
Umabante siya ng kaunti upang i-parking ang magarang sasakyan.Ngumiti lamang ako, she's so soft from this deal, ngunit mali parin 'yon kung tutuusin, apat silang nangbilog ng ulo ko. Four of them took advantage of my weakness.
"Let's go."pag-aya niya at kinalas ko na ang seatbelt sa aking katawan.The heat of the sun penetrated my porcelain skin,sumenyas ako kay Andrea na mauna na siya loob ng cafeteria, tinanguan niya naman ako kaagad at deretsong naglakad. Tamad akong inayos ang aking damit at isinuot ulit ang sunglasses. They won't notice me together with this; I guess I can walk freely.
I ballooned my chewing gum to relieve myself from stress. I'm not fond of smoking, that won't help my health. Naglakad na ako sa loob at nakita ko roon ang mga ilang nakasalamuha ko noong meeting sa pinagtratrabahuan kong kompanya.
I didn't mind them,lahat sila ay napanganga sa kinaroonan ko.They even took a picture of me. Alam nilang ako 'yon dahil sa hugis ko at estilo ng aking pananamit, always Alexandra.
"Goodmorning ma'am! Welcome to our cafeteria."malugod na pagbati ng guwardiya.
BINABASA MO ANG
I Met My Lover Online:1 (COMPLETED)
RomanceShe is Sandra Diamante, an australian high paid model who loves socializing on-line from her anonymous account, at the age of seventeen, she was engaged into a virtual relationship which her mother doesn't want her to experience. But, the question i...