Kabanata 7

45 3 0
                                    

Namilog ang mata ko sa sinabi niya, kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi upang pigilan ang hiya na nanghihimasok sa aking sistema.

What the fuck Rover?

Ibinaling ko kay Andrea ang aking mata ngunit ngumuso lamang siya at pinaikot ang hintuturo malapit sa kaniyang tainga.

“W-what the heck are you doing!?” hinampas ko ang tubig tsaka ako lumapit sa kinatatayuan niya, nagtaas-baba ang kaniyang adam’s apple dahilan kung bakit nakaramdam ako ng kaba.
Nakasentro na ang mga mata ng tao sa’min dahil sa sinabi ni Rover, we owned the spotlight tonight!

“Everybody, listen up..” panimula ni Rover habang ako ay nakalubog parin sa tubig ang katawan.

“Hey Olivia, listen..” pagsalungat ng babae sa gilid ng pool, inaalu ang batang anak na babae.
Napunta roon ang mata ko nang magningning ang mata nang babae sa mukha ni Rover.
Umirap ako at ibinalik ang tingin kay Rover.

“We need to filter and renew the wate—” the staff interrupt him on his speech.

“S-sir Rover, we already replaced—“ he crumple his fist to stop also the staff from talking. Kaagad kong tinakpan ang bibig upang pigilan ang pagtawa.

“I-filter niyo ulit. It looks dirty in my eyes..” malinaw niyang sambit.
Tumango ang staff sa sinabi niya at kaagad na pinaalis ang mga tao sa pool.

Umawang ang labi naming pareho ni Andrea dahil sa asal ng kaniyang kapatid.
Ano ba ang gustong palabasin ng lalaking ‘to. Bakit kailangan niyang madaliin ang pag-alis ng mga guest niya rito.

“For Pete’s sake, guest niyo ang mga taong ‘yon.” hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya.
Nagkatitigan kami at parang umaalab na ang lamig sa kaniyang mata dahil sa sinabi ko.

“What did you do Kuya?Nagsasaya kami rito sa pool.”nanghihinayang na sagot ni Andrea tsaka niya kinamot ang ulo. Ako nama’y hindi na maipinta ang hiya sa aking mukha.

“I know, go back to your unit..” lumunok ako sa sinabi niya. Umahon na’ko sa pagkakalubog at akmang isusuot ang aking robe nang ituro ako ni Rover.

“You. Maiwan ka, mag-uusap tayo..” kalmadong aniya.Umalis nang walang paalam si Andrea at kumembot-kembot pa siya na animo’y nasisiyahan sa sitwasyon ko.

Luminga linga ako sa paligid ngunit wala nang kahit sinong tao roon. Nanlamig ako ng hilahin niya ang kamay ko upang mas lumapit ako sa kaniya.

“A-ano namang pag-uusapan natin? Tapos na tayo, hindi mo ako madadala sa kape. Kaya pwede ba?” singhal ko sa harap niya at napatigil sa ginawa.

“What? Coffee?” tanong niya pabalik at nagdalawang isip pa siya sa kaniyang tanong.

“Tignan mo. Matanda ka na nga ulyanin kapa.”I laughed without humor.

“Can’t you see? Split na tayo. Layuan mo na ako.” Umirap ako sa kaniya at siya naman ngayon ang nagsalita.

“Break up with him, be with me instead.”nangibabaw ang tanong sa puso ko dahil sa sinabi niya.
What does he mean?

“A-ano nababaliw kana ba!?” I spatted. Nagkibit lamang siya ng kaniyang balikat at nakita kong inilabas niya ang kaniyang itim na wallet upang dukutin ang kaniyang black card. Nanlaki ang mata ko sa nakita.

“Here.. take this ten million, rent a fucking pool.”sabay lahad niya sa kaniyang cheque. Pinirmahan niya ‘yon tsaka niya ibinigay sa harap ng aking mukha.

Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya at binigyan siya ng nakakamatay na titig.

“Are you fucking insane?!Hindi ako mukhang pera Rover. Hindi porket mapera ka pwede mo nang ibigay sa ‘kin ang napakalaking halagang ‘yan.Nasisiraan kana batalaga ng bait?”hindi ko na mabilang kung ilang beses na ang paglunok ko.Seryoso ba siya?

I Met My Lover Online:1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon