"Wala na kami." matigas kong saad at napalingon si Rover sa direksyon namin.
Humagikgik si Andrea na parang natutuwa sa reaksyon ng kaniyang kapatid."You two are always like that,nag-aaway sa maliit na bagay." sermon niya.
"Stay out of this Andrea." pinaalon ni Andrea ang kilay upang mas lalong pikonin ang kapatid.
Tumahimik ako sa dagundong niyang boses, kung sa tingin niya ay papansinin ko siya. He's fucking wrong!
I need to pack my things up, dinala ko lahat ang mga binili niya para sa'kin, binilin ko rin si Andrea na hindi na ako makikisabay sa hapag. Busog na ako ng sama ng loob dahil kay Rover.
How could he think that way? Balak niyang baligtarin ang problema na dapat ay sa kaniya?
Kung ilalarawan ang siklo ng buhay namin ay para kaming nasa larong chess game, kumbaga checkmate na siya pero pilit niya paring inaalis ang isip at puso niya sa panganib. Na pwede niya pang ilaban ang rason niya, kahit alam mong nahihirapan na siya.
"He should be honest, girlfriend niya ako. I already built my trust in him tapos, gaganituhin niya lang ako?"pagmamaktol ko sa silid.
Para akong napupuyos na kandila sa kinatatayuan,pinagmasdan ko ang malaking salamin at napansin kong namamayat na ako! But, I won't ever ask money from him, sa oras na makalabas ako sacondo na 'to. Pinapangako kong hinding hindi dadapo ang mata ko sa kaniya.
I won't tolerate his shits on me, maari naman niya akong sabihan na ayaw niya sa magandang tulad ko, and I'm fucking okay with that! Na nagsasawa na siya sa kaka-away ko sa kaniya. Damn, he's so komplikado!
Tatlong katok ang nagpalingon sa aking pintuan, kaagad kong nilakad 'yon at nakita ko ang anino ng lalaking kinaiinisan ko kanina pa.Tumikhim siya upang agawin ang atensyon ko, nakatungo lamang ako sa sahig at parang hindi natinag sa kaniyang presensya.
"Can we talk?" his voice is more tender than what I expected, alam kong kinukuha niya lamang ang loob ko dahil, hindi na ako lumabas bago sila kumain.
"I'm tired, bukas nalang."my words are plain detailed. Tipid at seryoso.
Nanatili pa rin siyang nakatayo sa aking harapan at wala siyang nagawa kundi bumuntong hininga.
"Goodnight."he muttered before turning his head away from me. Tinanguan ko siya at agad na ni-lock ang aking doorknob.
Naghabulan ang aking paghinga dahil sa pagpipigil ko.
Ini-untog ko ang aking ulo sa backdoor upang bumalik sa reyalidad na galit ang nararamdaman ko sa kaniya.Ang halimuyak ng hangin ay nanuot sa aking balat, madilim na ang paligid at mataas na rin ang kinaroroonan ng buwan. Napangiti ako sa mga ulap na tumatakip sa buwan, Rover is like that.
The skies are indeed obstacle across the moon, pinipilit takpan ang pagliwanag ngunit kalaunan ay liliwanag rin sa sariling pamamaraan.
And, I think Rover is the moon, hiding every bit of his feelings which is to shed his light to me but, his doubt and hesisation was the clouds, ngayon ay mas naiintindihan ko na ang pinapakita niya sa'kin.
Humalukipkip ako sa aking makapal na kumot dahil umaakyat na ang lamig sa aking silid.The moon is always comforting me to sleep, in this case I can't deny the fact that, Rover is my source light.
...
Sumikat na ang araw, agad kong minulat ang aking mata dahil sa sinag na sumasakop sa aking mukha, bumangon na ako upang maghanda.Alas dose ay lalayas na ako sa lugar na ito. Ngunit tinimbang ko ang damdamin kung tama ba ang magiging desisyon ko o dala na naman ba ito ng galit?
This fast few days, hindi na ako masyadong mapili sa pagkain. Kaya ako pumapayat dahil baka nga nasisira ko na ang dietary advice ko. I'm no longer sexy, lumiliit na rin ang pwitan ko, and my contour! Epekto ba talaga to ni Rover?
BINABASA MO ANG
I Met My Lover Online:1 (COMPLETED)
RomanceShe is Sandra Diamante, an australian high paid model who loves socializing on-line from her anonymous account, at the age of seventeen, she was engaged into a virtual relationship which her mother doesn't want her to experience. But, the question i...