"Ano ba?!" singhal ko sa mukha niya.
Kahit siya ay nagulat sa pagtaas ko ng boses.Nagtaas baba ang aking dibdib at habol ang hiningang tinignan siya."I said I missed you, Sandra." at inalis ko ang kamay niyang nakapulupot sa aking balikat. Mabibigat ang ipinukol kong tingin sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin kung ganon? Na papayagan ko siyang patuluyin sa condo ko?
"Anong ginagawa mo rito?!"I burst out. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko, maingat niya akong tinignan na para bang isa akong babasaging bagay. Nag-iwas ako ng tingin.
I ain't hospitable when it comes to this man, nagiging baliko ang mga pinapangako ko sa sarili ko nang magtama muli ang mga mata namin. Ngunit hindi iyon ang magiging rason ko upang patuluyin siya. But, my conscience kept on bothering my system. Noong panahong naghahanap ako ng matutuluyan, naroon siya. Alam kong mali ang nagawa ko sa tatlong buwang nakalipas ngunit araw-araw kong pinagsisihan 'yon. Nagsisisi akong siya ang nilapitan ko at hindi mismo si Rover, mismong kambal niya!
"Tss!" bulalas ko at pilit na hinuhuli ang aking mata.
Pinilig niya ang kaniyang ulo at ako mismo ay hindi alam ang ginagawa. Binigyan ko siya ng masamang titig, napaatras ako ng kaunti dahil sa masyado na kaming magkalapit sa isa't-isa.Masusi niyang sinuri ang aking reaksyon batay sa distansiya namin.
"Come in.." mahinahon kong sagot at doon ko siya ipinagbuksan ng pintuan.
The shoot sinked in my head, may trabaho nga pala ako ngayon! I need to hurry! Malayo pa ang ibya-byahe ko kung magcocomute pa ako papunta roon."Is there's something wrong?"usisa niya at tumango ako.
"I need to hurry, may trabaho ako ngayon." both of his hazel-nut eyes slightly stretched.Tumigil ako roon at siniyasat ang bawat piyesa ng kaniyang mukha at katawan.
My eyes began to explore every edge of his manly face, nanginig ako nang mapunta ako sa kaniyang labi. He's like a piece of sculptured work, mahirap labanan ang kagandahang dinadala. Nasamid ako at nang magtama muli ang mata namin,napangiti siya.
"I'm sorry if you suffered, because of me. I'm sorry if I excluded your feelings, I know you loved me before, but I loved you more since day one. Sandra.."
"Unfortunately, my brother.." his voice flattened.
"He loved you first, and I think that will be good.." mas lalo akong napaatras sa mga sinasabi niya ayokong magtapat siya sa ganitong paraan. Ako ang unang may kasalanan, ako ang lumapit at nanggulo. Ako ang humingi ng pabor sa kapatid niya, he fulfilled it by sending his brother, instead of him! At ako rin ang naging ugat sa problema kong 'to.
"Duwag ang kapatid mo!" I howled in agony.
"No, don't say that Sandra.." mahinahon parin ang kaniyang boses habang ako'y wala nang pakundangan sa pagsisisigaw.
Pagak akong tumawa sa mga sinasabi niya, aren't he aware that I dated him, instead of his brother?Nakasama ko siya sa iisang bubong na walang kamalay-malay, nahalikan at nahaplos.
"River.. stop fooling me.Balikan mo na ang ex-girlfriend mo.I'm not buying your reasons. Wala na tayo! or should I say wala na kami ni Rover.Kaya pwede ba? Save your reasons when we're both married kasi nasasaktan parin ako sa nagawa mo!" my heart is aching, parang bumalik ulit ang sakit na tinatakasan ko.
"Scarlet is not my ex-girlfriend.."he stated in a deep tone.
Nagtiim-bagang ako sa sinabi niya, hindi ko nakitaan ng pagsisinungaling ang mata niya.I licked my lower lip and laced up my sweet pair of snake skin boots and ran out the door for no reason.
"Sandra! wait!" at hinabol niya ako sa elevator ngunit nahuli na siya sa pagpasok. I want to resist my tears but, I can't help it.Nagbaba ako ng tingin kahit luhaan ay isinuot ko parin ang aking sunglasses upang takpan ang aking mata.
BINABASA MO ANG
I Met My Lover Online:1 (COMPLETED)
RomanceShe is Sandra Diamante, an australian high paid model who loves socializing on-line from her anonymous account, at the age of seventeen, she was engaged into a virtual relationship which her mother doesn't want her to experience. But, the question i...