Prologue

56 5 2
                                    

Author's note:📝 lahat ng lugar, pangalan, at mga kaganapan ay kathang isip lamang.

enjoy reading hehe.


N

i anino niya'y hindi ko pa nasisilayan dahil kami'y nagkakilala through internet o sa tawagin nating rpw.

Isa itong dummy account na hindi ikaw ang nasa litrato, madalas ito'y isang artista o kahit na sinong sikat at idol na gusto mong I-profile. Hindi ako gumawa ng account na gano'n para mambash at gawin ang kung ano anong kasamaang naiisip ko. Gumawa ako nito dahil inimpluwensyahan ako ng kaibigan ko pero hindi ko akalain na ganon pala ang rpw. Sasaya ka dahil mas dadami ang iyong kaibigan, kahit through chat lang kayo nag uusap usap ay para bang matagal na kayong nagkakasama pero hindi lahat ng nakikilala sa internet ay tumatagal kaya't hanga akong isipin na mayroon pa ding isang taong nandyan para sa akin at mas pinili naming manatili.

Despite the fact that we just met through internet ay weird na hindi na'ko nagkaroon ng interes na magkagusto sa mga taong nakakasalamuha ko.Nakakatawa lang kasi hindi ko naman talaga siya kilala pero bakit parang sa dami ng tao ay siya lang ang nabubukod tangi para sa'kin? Parehas kami ng mundong ginagalawan ngunit magkaiba ang paraan kung saan kami nagkakilala. At sa hindi inaasahang oras at panahon, nabigyan ako ng pagkakataong makita hindi lamang ang anino niya kundi pigura ng tao mismo. Parehong hindi makapaniwala, parehong naguguluhan kung tama ba ang hinala, ngunit sa buong buhay ko ngayon lang ako naging sigurado, siya iyon, ang lalaking napupusuan ko.

Through The Internet, That's How We MetWhere stories live. Discover now