Chapter 2

129 5 0
                                    





Days went after, unti-unti na akong nakakapag-adjust sa environment dito sa city. Medyo nasasanay na ako pero may times pa rin na nakakapanibago sa feeling.

Mas naging close na rin kami ni Camille since day 1. Buti na lang, may naging friend agad ako dito sa university kahit na wala talaga akong kakilala dito.

Just right after my last class, I received a call from my phone. It's Camille. May ibang subjects kasi kami na magkaiba kaya hindi kami magkasama all the time.

"Hello—"

"Valeri! Huhu!" sigaw niya sa kabilang linya.

"Oh bakit anong nangyari?" tanong ko agad.

"Valeri, can I ask a favor? Nakalimutan ko kasing maglagay ng chocolate bar sa locker ni Fred. Pwedeng bilhan mo siya tapos ilagay mo na lang doon? Huhu sige na, please!"

"Ha? Sa'n ka ba kasi? Eh kung bukas na lang kaya," sabi ko naman.

"Eh kasi naman tinatawag ako bigla ni Mother Nature! Ang sakit ng tyan ko huhu! Sige na, please? Babayaran naman kita!" pakiusap pa niya.

I just sighed before I agreed. "Okay, fine. Babayaran mo ako ha? Tsaka text me kung anong number ng locker niya. Hindi ko pa kabisado lahat ng building dito."

"Huhu thanks, Valeri! You're the best— Ack, ang tyan koooo!" huling sabi niya bago naputol ang tawag.

Lumabas muna ako ng university at pumunta sa isang convenience store na nasa sa tapat lang. I received a text from Camille saying I should buy a Hersey's chocolate bar, kaya agad kong hinanap kung saan nakahilera ang mga chocolates.

Nakita ko naman at kumuha ng isa saka dumiretso sa counter at binayaran. Pagkatapos ay bumalik ako sa university at pumunta sa building ng College of Engineering.

I received a text again saying Fred's locker is on second floor and the number is 167. Saktong medyo wala ng tao sa lobby kaya dumiretso na ako sa hagdan papunta sa second floor.

Nadatnan kong tahimik ang buong second floor. May bigla naman akong narinig na tawanan ng isang grupo kaya agad akong nagtago hanggang sa nawala sila.

Nakita ko naman ang lockers at agad hinanap ang locker ni Frederick Arcilla. Nang nasagap ko ay agad kong ipinatong sa ibabaw ng locker niya ang chocolate bar. Mission success.

Aalis na sana ako nang may nakita akong nakatayo at nakatingin sa akin na isang lalaki. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya hanggang sa lumapit siya palapit sa akin at tuluyan ko siyang nakilala.

It was him— yung crush ni Camille na nakita ko lang sa picture na ipinakita niya sa akin no'ng nakaraang araw.

Nabisto ako.

Nagkatitigan kami saglit.

Saka naman pumasok sa isip kong umalis sa kinatatayuan ko nang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Kaya, agad akong tumalikod at tumakbo patungo sa hagdanan pero bigla na lang may humila sa braso ko. Sa lakas ng hila niya ay napasandal ako sa pader at kwinelyuhan ako.

Nagkasalubong ang tingin namin at nakumpirma kong siya nga ang may-ari ng locker 167.

Sa sobrang lapit niya sa akin, I can see how mad he is and I don't know what is he thinking about me right now.

"What are you doing at my locker?" nangangalit niyang tanong sa akin.

I have to answer quick. Mag-isip ka ng palusot, Valeri!

T.S. STORIES #2: I Bet You Think About Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon