Epilogue

154 6 11
                                    





Kay lamig ng hangin na sumalubong sa akin sa lugar na narating ko. Nagbabanta sa akin ang galit ng langit pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko.

Ako lang ata ang bumibisita rito ngayon. Ngayon kasi anniversary dapat namin, pero hindi na namin macecelebrate pa dahil wala na siya. Wala na. Naging ibang anniversary tuloy.

8 years ago, bumagsak ang eroplanong sinakyan ni Valeri sa gitna ng kaniyang biyahe pauwi sa Pinas. 5 lamang ang nakasurvive sa plane crash, at kasama siya sa nasawi.

Yun ang eroplanong sinakyan niya pagkatapos niya tinapos ang lahat sa amin. Akala ko yung sa amin lang matatapos, pati rin pala buhay niya.

Pangarap namin.

Pangako namin.

Lahat natapos.

Nanlumo ako nang marinig ko ang balita na 'yon. Halos ilang gabi ako nawalan ng ganang mabuhay dahil sa pagsisisi. Walang araw na hindi ko siya iniisip. Bumabalik sa aking alaala ang lahat na nangyari sa amin.

Hindi kasi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya nang sinundo ako ni Papa upang dalhin sa States. Akala ko kasi, tapos na kami. Akala ko lang pala.

Marami ang nagalit sa akin. Lalo na mga kaibigan ko. Sina Camille at Roel. Mga friends ko sa school. Even my exes. Pati ang pamilya ni Valeri na siyang labis na naapektuhan sa nangyari.

Kung hindi lang ako sumuko kaagad, siguro buhay pa siya.

Kung hindi lang ako bumitaw sa mga pangako namin, siguro, wala ako dito sa puntod niya, nakatayo sa tapat ng lapida niya.

Kung kinausap ko lang siya kaagad noong dumating ako sa States, siguro hindi na siya nag-atubiling pumunta pa roon.

I never knew I would come back here to visit his grave. I never imagined this would happen between us.

I hope he is living peacefully, wherever he is. Sana napatawad niya ako, kahit hindi ako karapat-dapat bigyan ng kapatawaran. I'm trying to be a better man, and he knew about that.

Kahit na walong taon na ang nakakalipas, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga huling salitang binitawan niya sa akin bago siya umalis.

"Bitawan mo ako, dahil binibitawan na rin kita simula ngayon."

Hindi ko maipapangako na magagawa ko ang sinabi niya sa akin, pero kung magagawa ko man siyang bitawan pagdating ng panahon, sana malaman niya na totoo kong siyang minahal.

I've loved you, Valeri. I'm sorry.

T.S. STORIES #2: I Bet You Think About Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon