12 hours have passed. Wala pa ring nagpapakita sa harap ng bahay namin. I should've stayed and let him and explain. Pinangunahan ako ng takot ko, kaya ngayon parang akong tangang nag-antay sa kanya kahit ako ang nang-iwan.
Ako nakipagbreak tapos ngayon, aasa akong darating siya. Ang galing talaga.
Wala rin akong nareceive na text o tawag mula sa kanya. My last message was when I said we're over. That's it.
"Gigi, may sasakyan sa labas. Baka siya na 'yan," sabi ni Auntie Linda kaya agad akong lumabas at tinignan ngunit isang pamilyar na kotse ang nakita kong nakaparada sa tapat ng gate.
"Si Papa."
Lumabas ako at nagtungo sa gate. Rinig ko pa ang pagtawag ni Mama sa akin pero hinayaan ko muna at hinarap si Papa na lumabas ng kotse. "Valeri, pwede na ba tayong mag-usap?"
Nagbago ang itsura ni Papa. Humaba ang kanyang balbas at ang gulo ng buhok niya. Though I hated him because of what he did to us, nakaramdam ako ng awa sa kanya. Hindi siguro siya inaalagaan ng babae niya.
"Valeri, nak, kahit kaunting oras lang. Just let me explain."
I looked back and saw Mama standing at the door. She just smiled at me and gestured to go with him. Siguro may nalalaman sila na hindi ko pa alam. "Fine."
Sumakay ako sa kotse niya at hinayaan ko siyang magdrive kung saan man. Hindi kami nag-usap sa loob hanggang sa nakarating kami sa isang lawa malapit lang sa bayan namin.
Bumaba ako at dali-dali naman si Papa na lumabas at may kinuha sa likod. Nagmamadali naman siyang nagtungo sa damuha at naglapag ng tela malapit lang sa lawa.
Niyaya naman niya ako at pinapaupo doon. I'm trying not to cry, dahil minsan namin to nagawa before I decided to continue my studies sa syudad.
"Ang ganda ng lawa no?" sabi niya.
Sakto lamang ang panahon, hindi masyadong mainit. Gusto kong maligo sa lawa, pero baka lunurin ko lang sarili ko sa tubig kapag nagkataon.
"Sorry, nak. Dahil sa akin, nagkagulo ang pamilya natin. Sorry. Sorry," sabi niya at hindi na niya mapigilang maluha sa harap ko.
I barely see my own father crying in front of me. I thought he was the strongest person I've known, but now he's showing his tears to me. Pinigilan ko ang sarili ko kahit na may isang luha nang tumakas sa mata ko.
"Nalasing ako. Nanlabo ang paningin ko, at akala ko Mama mo kasama ko no'ng oras na iyon. Hindi ko sinasadya," paliwanag niya. "Nagkausap na kami no'mg nakaraan, pero hinding-hindi na ako mapapatawad ng Mama mo dahil sa ginawa ko. Alam ko ring hindi mo na rin ako mapapatawad kaya nais ko lang makasama ka kahit sa huling pagkakataon."
"Anak, kahit ilang beses ko na 'to nasabi sa'yo, pero I'm very proud of you. Kahit anong desisyon na gagawin mo sa buhay, susuportahan pa rin kita bilang Papa mo, ha? Kahit kakalimutan nyo na ako bilang parte ng pamilya natin, hinding-hindi ko kayo makakalimutan. Mahal na mahal ko kayo, Gigi. Kahit yun lang ang maalala mo sa akin."
Sa sinabi ni Papa, hindi na napigilang maluha. Ang sakit-sakit pakinggan ang lahat na mga sinabi niya na parang mamaalam na siya sa amin. Doon ko na narealize ang lahat na ginawa niya para sa aming pamilya.
Ang hirap lang tanggapin na dahil sa isang pagkakamali lang ni Papa, nauwi sa pagkasira ng pamilya namin. Nawala na yung tiwala namin sa kanya.
"Sorry, Pa. Sorry sa lahat ng ginawa ko. I'm really sorry. I still need you. Pwede pa naman tayo pumunta rito at bonding, parehas lang no'ng dati, 'di ba?"
"Of course, we can. Anytime you want," sabi niya saka ko siya niyakap.
I don't know, pero parang gusto ko pa rin atang mag-stay si Papa sa bahay. It'll be lifeless kung wala siya. He loves us more than we do.
"By the way, saan na yung nanliligaw sa'yo? Sinsaktan ka ba niya?"
Nagulat ako nang tinanong niya ang tungkol sa amin. Hindi ko naman 'to nakwento sa kanya since the incident. "How did you know?"
"Remember when I tried to talk to your mother pero hindi niya ako pinapapasok? Naabutan ko sa labas ng gate yung kasama mo sa sasakyan," sabi niya at naalala ko nga ang araw na iyon. Nasa loob ako ng bahay no'n at tinatahan si Mama.
"Agad ko siyang tinanong kung sino at sabi niya, manliligaw raw niya. Akala ko nagbibiro lang siya, pero seryoso siya sa sinabi niya," dagdag pa niya.
"Ipinangako niya sa akin na hindi ka niya iiwan kahit anong mangyari. Noong una, ayaw kong matanggap pero inisip ko, kapag wala na ako, hindi na ako mag-aalala sa'yo dahil may handang umalalay sa'yo at siya 'yon."
Nangako rin pala si Fred kay Papa, 'di lang kay Mama. Nakaramdam ako ng pagsisisi kung bakit iniwan ko siya ngayon. "Sorry, Pa. Iniwan ko siya sa apartment. Ayaw kasi ako ng pamilya niya, at ayaw kong magkaproblema siya sa kanyang parents niya."
"Kung ayaw ng pamilya niya sa'yo, siguradong ipaglalaban ka naman niya kaya hindi ka dapat mag-alala at magpakatatag ka. Hindi kasi lang puro masasayang alaala ang pagmamahalan. Darating din ang puntong haharapin nyo ang mga pagsubok na siyang babanta sa pagsasama nyong dalawa. Kailangan nyo lang ng tiwala sa isa't isa."
Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap namin ni Papa, nagpasya kaming umuwi na. Hinatid naman niya ako sa bahay at hiniling na sana magiging maayos rin ang lahat at malalagpasan namin ang pagsubok na 'to.
Nagpasya naman akong bumalik ulit sa syudad upang balikan si Fred sa apartment. Hindi ko dapat siya iniwan dahil kailan man hindi niya ako nagawang iwan. Handa ko siyang ipaglalaban dahil may tiwala ako sa kanya.
Ilang oras pagkatapos nag biyahe, nakarating ako sa syudad at dumiretso sa apartment ni Auntie Linda. Nagulat pa ang mga nakakasalubong sa hallway dahil sa sobrang pagmamadali ko. Pagdating ko sa apartment, bukas ang pinto at agad na hinanap si Fred.
Wala akong makitang ni kahit anong bulto ng tao sa apartment ngunit pansin na nagkagulo ang mga gamit sa loob. Bigla namang may tumawag sa pangalan ko sa tapat ng pintuan.
"Valeri!"
Agad akong nagtungo doon at sumalubong sa akin si Camille. "Camille? Bakit ka andito—"
"Si Fred... kinuha ng parents niya at dinala sa States."
BINABASA MO ANG
T.S. STORIES #2: I Bet You Think About Me (Completed)
RomansSa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa siyudad, isang panibagong hamon ang kahaharapin ni Valeri matapos magkrus ang kanyang landas at ang nag-iisang campus crush ng Cailer U. Hindi man naging madali ang kanilang simula, nagkapalagayan naman ng loo...