WARNING:
This chapter contains narration of adult scenes and language intended for mature readers only."Valeri, are you okay? Namamayat ka ata ah. Kumakain ka ba? Is there something wrong again?"
Fred brought me here in an uptown open bar after class. Feeling ko, wala na ako sa matinong pag-iisip. Every time na naalala ko ang lahat na nangyayari sa buhay ko ngayon, parang nanghihina ako. I just stared at the city lights, and I'm supposed to be amused by the view but I still can't process everything.
A hand topped over mine, and I looked to him. "I'm dying inside."
Umusog siya palapit sa akin at niyakap ako. Buti na lang andito siya, kung hindi, hindi ko na siguro napigilan ang sarili na tumalon sa bangin malapit sa kinaroonan namin. I let my tears ran down my face and cried in his arms. Humagulgol na lang ako, kahit na may mga tao sa likuran namin.
"Sshh, we will get through this. I am here for you, and forever will be," tahan niya sa akin.
"Promise, you'll never leave me?"
"I promise," he said before finally blowing me a forehead kiss.
Fred drove me home and decided to stay with me tonight in my apartment. Buti pa yung apartment ko, kay linis, 'di tulad ng buhay ko na kay gulo-gulo na. Natawa na lang ako bigla sa sarili ko.
Nagpaalam naman muna ako sa kanya na maliligo ako saglit dahil nanlalagkit na ako sa pawis. Habang naliligo ako, hindi ko maiwan na maiyak ulit, at hinayaan ko na lang na dumaloy ang mga luha ko kasabay ang tubig mula sa shower. Somehow, gumaan naman ang pakiramdam ko after maligo.
Nakapagbihis na ako before ako lumabas ng banyo, knowing na nasa apartment ko si Fred. Siya naman ang sumunod sa banyo at naligo. I went to the kitchen and grabbed some water to drink. Saka ko lang narealize na nauuhaw ako kakaiyak simula kaninang umaga.
Narinig ko namang pumihit ang pinto ng banyo at sa baling ko, tumambad sa akin ang katawan ni Fred. Nakatapis lamang ang ibabang parte niya ng puting bath towel, kaya kitang-kita ko ang detalye ng kalahati ng kanyang katawan. I can see how drops of water drip from his shoulders down to his chest.
I shook my head and looked away. Baka pag-isipan pa ako ng masama ni Fred sa ginagawa ko.
"Andyan ka pala. Sorry," sabi niya pero agad ko siyang tinaboy.
"Wag kang lalapit! Magbihis ka na agad doon. M-May extra shirt ako sa closet. Kuha ka lang doon."
Nang makalayo na siya ay nakahinga naman ako ng maluwag, pero nang masagi ng mga mata ko ang likuran niya, napalunok ako ng laway ng dis oras at umiwas ulit ng tingin. Kung ano-ano na lang ang nahahagip ng paningin ko ngayong mags-stay siya dito.
Nakarinig naman ako ng nagriring na phone pero agad na pinatay. I saw him checking on his phone and turned it off. Bigla ko naman naalala ang sinabi sa akin ni Camille sa akin tungkol sa family ni Fred. Nac-curious pa rin ako, at eto siguro ang tamang oras para tanungin siya tungkol rito.
"Uhm, Fred, can I ask something kung okay lang ba sa 'yo?"
Umupo naman siya sa kama at niyaya akong tumabi sa kanya. "Sure. Tungkol saan ba?"
BINABASA MO ANG
T.S. STORIES #2: I Bet You Think About Me (Completed)
RomanceSa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa siyudad, isang panibagong hamon ang kahaharapin ni Valeri matapos magkrus ang kanyang landas at ang nag-iisang campus crush ng Cailer U. Hindi man naging madali ang kanilang simula, nagkapalagayan naman ng loo...